Add parallel Print Page Options

27 Ang pagkakaloob sa inyo na inyong tinanggap mula sa kaniya ay nananatili sa inyo at hindi na kayo kailangang turuan ninuman. Ito ring pagkakaloob na ito ang siyang nagtuturo sa inyo patungkol sa lahat ng bagay. Ito ay totoo at hindi ito kasinungalingan. At kung papaanong tinuruan kayo nito, manatili kayo sa kaniya.

Mga Anak ng Diyos

28 Ngayon, munting mga anak, manatili kayo sa kaniya. Sa gayon, kapag mahahayag siya, magkakaroon tayo ng kapanatagan at hindi tayo mahihiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.

29 Kung inyong nalalaman na siya ay matuwid, inyong nalalaman na ang bawat gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak mula sa Diyos.

Read full chapter