Add parallel Print Page Options

14 Mga ama, sinulatan ko kayo sapagkat nakilala na ninyo siya na buhat pa sa pasimula. Mga kabataang lalaki, sinulatan ko kayo sapagkat kayo ay malakas at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo at nalupig ninyo ang masama.

Huwag Ibigin ang Sanlibutan

15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, maging ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama.

16 Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang pagnanasa ng laman, ang masasamang pagnanasa ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay. Ang mga ito ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Read full chapter