Add parallel Print Page Options

Nahayag(A) ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Isinusulat namin ito upang malubos ang aming[a] kagalakan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Juan 1:4 aming: Sa ibang matatandang manuskrito'y inyong .