1 Juan 1:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Salita ng Buhay
1 Yaong(A) buhat sa pasimula, na aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming napagmasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay—
2 at(B) ang buhay na ito ay nahayag, aming nakita, aming pinatototohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa amin ay ipinahayag.
3 Ipinahahayag namin sa inyo yaong aming nakita at narinig upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin; at tunay na ang ating pakikisama ay sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
Read full chapter
1 Juan 1:1-3
Ang Salita ng Diyos
Ang Salita ng Buhay
1 Siya na buhat pa nang pasimula ay aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming namasdan at nahawakanng aming mga kamay. Siya ang Salita ng buhay.
2 Ang buhay ay nahayag at nakita namin ito at aming pinatotohanan. Isinasalaysay namin sa inyo ang buhay na walang hanggan na iyon na kasama ng Ama na nahayag sa amin. 3 Siya na aming nakita at narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesucristo.
Read full chapter
1 Juan 1:1-3
Ang Biblia (1978)
1 Yaong (A)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (B)yaong nakita ng aming mga mata, (C)yaong aming namasdan, at (D)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at (E)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (F)pinatotohanan, (G)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (H)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (I)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
Read full chapter
1 John 1:1-3
Amplified Bible
Introduction, The Incarnate Word
1 [I am writing about] what existed from the beginning, what [a]we have heard, what we have seen with our eyes, what we have looked at and touched with our hands, concerning the Word of Life [the One who existed even before the beginning of the world, Christ]— 2 and the Life [an aspect of His being] was manifested, and we have seen [it as eyewitnesses] and testify and declare to you [the Life], the eternal Life who was [already existing] with the Father and was [actually] made visible to us [His followers]— 3 what we have seen and heard we also proclaim to you, so that you too may have fellowship [as partners] with us. And indeed our fellowship [which is a distinguishing mark of born-again believers] is with the Father, and with His Son Jesus Christ.
Read full chapterFootnotes
- 1 John 1:1 John the Apostle wrote the Gospel of John, this letter along with two others, and the book of Revelation. He and his brother James (also an apostle) were the sons of Zebedee and Salome.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 2015 by The Lockman Foundation, La Habra, CA 90631. All rights reserved.