Add parallel Print Page Options

Nagpakita ang Panginoon kay Solomon(A)

Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo, at ng iba pa na binalak niyang gawin, nagpakitang muli ang Panginoon sa kanya katulad ng ginawa niya noon sa Gibeon. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo sa akin. Ang templong ipinatayo mo ang pinili kong lugar kung saan ako pararangalan magpakailanman. Palagi ko itong babantayan at iingatan. At ikaw, kung mamumuhay kang tapat at matuwid sa aking harapan, katulad ng iyong ama na si David, at kung gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin ang aking mga tuntunin at mga utos, paghahariin ko sa Israel ang iyong mga angkan magpakailanman. Ipinangako ko ito sa iyong ama na si David nang sabihin ko sa kanya, ‘Laging magmumula sa angkan mo ang maghahari sa Israel.’ Pero kung tatalikod kayo o ang inyong mga angkan sa akin at hindi susunod sa aking mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at kung maglilingkod at sasamba kayo sa ibang mga dios, paaalisin ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo at itatakwil ko ang templong ito na hinirang kong lugar kung saan pararangalan ang aking pangalan. Pagkatapos, kukutyain at pagtatawanan ng lahat ng tao ang Israel. At kahit maganda at tanyag ang templong ito, sisirain ko ito. Magugulat at mamamangha ang lahat ng dumaraan dito at painsultong sasabihin, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupain at templong ito?’ Sasagot ang iba, ‘Dahil itinakwil nila ang Panginoon na kanilang Dios na naglabas sa kanilang mga ninuno sa Egipto at naglingkod sila at sumamba sa ibang mga dios. Iyan ang dahilan kung bakit pinadalhan sila ng Panginoon ng mga kapahamakan.’ ”

Ang Iba pang Naipatayo ni Solomon(B)

10 Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali – ang templo ng Panginoon at ang palasyo sa loob ng 20 taon, 11 ibinigay niya ang 20 bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tyre. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres[a] at ng ginto na kanyang kailangan. 12 Pero nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tyre para tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito. 13 Sinabi niya kay Solomon “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul,[b] at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon. 14 Nagpadala roon si Hiram kay Solomon ng limang toneladang ginto.

15 Ito ang ulat tungkol sa sapilitang pagpapatrabaho ni Haring Solomon sa mga tao para maipatayo ang templo ng Panginoon at ang kanyang palasyo, sa pagpapatibay ng lupain sa bandang silangan ng lungsod, sa pagpapatibay ng pader ng Jerusalem, at sa pagpapatayong muli ng mga lungsod ng Hazor, Megido at Gezer. 16 (Nilusob ang Gezer at inagaw ito ng Faraon na hari ng Egipto. Sinunog niya ito at pinagpapatay ang mga naninirahan dito na mga Cananeo. Ibinigay niya ang lungsod na ito sa kanyang anak na babae bilang regalo sa kasal nito kay Solomon. 17 At ipinatayong muli ni Solomon ang Gezer.) Ipinatayo rin niya ang ibabang bahagi ng Bet Horon, 18 ang Baalat, ang Tamar[c] na nasa disyerto na sakop ng kanyang lupain, 19 at ang lahat ng lungsod na imbakan ng kanyang mga pangangailangan, at mga karwahe at mga kabayo. Ipinatayo niya ang lahat ng ninanais niyang ipatayo sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng lupaing sakop niya.

20-21 May mga tao pa na naiwan sa Israel na hindi mga Israelita. Sila ay mga lahi ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo, na hindi nalipol ng lubusan ng mga Israelita nang sakupin nila ang lupain ng Canaan. Ginawa silang alipin ni Solomon at pinilit na magtrabaho, at nananatili silang alipin hanggang ngayon. 22 Pero hindi ginawang alipin ni Solomon ang sinumang Israelita. Sa halip, ginawa niya silang kanyang mga sundalo, mga opisyal, mga kapitan ng mga sundalo, mga kumander ng kanyang mga mangangarwahe at mga mangangabayo. 23 Ang 550 sa kanila ay ginawa ni Solomon na mga opisyal na mamamahala sa mga manggagawa ng kanyang mga proyekto.

24 Nang matapos na ang palasyo na ipinagawa ni Solomon para sa kanyang asawa, na anak ng Faraon, inilipat niya ito roon mula sa Lungsod ni David. Pagkatapos, pinatambakan niya ng lupa ang mababang bahagi ng lungsod.

25 Tatlong beses sa bawat taon, nag-aalay si Solomon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon[d] doon sa altar na ipinagawa niya para sa Panginoon. Nagsusunog din siya ng mga insenso sa presensya ng Panginoon.

Kaya natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo.

26 Nagpagawa rin si Solomon ng mga barko sa Ezion Geber, malapit sa Elat[e] na sakop ng Edom, sa dalampasigan ng Dagat na Pula. 27 Nagpadala si Hiram ng mga marino na bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon. 28 Naglayag sila sa Ofir at bumalik sila na may dalang 15 toneladang ginto at dinala nila ito kay Haring Solomon.

Footnotes

  1. 9:11 sipres: o, “pine tree.”
  2. 9:13 Cabul: Maaaring ang ibig sabihin nito sa Hebreo, walang halaga.
  3. 9:18 Tamar: o, Tadmor.
  4. 9:25 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  5. 9:26 Elat: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, Elot.

At nangyari, nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.

Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa Gabaon.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan doon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi.

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:

Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:

Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan:

At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?

At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.

10 At nangyari sa katapusan ng dalawang pung taon, nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari,

11 (Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa,) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.

12 At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.

13 At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng Cabul, hanggang sa araw na ito.

14 At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.

15 At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, at ang Megiddo, at ang Gezer.

16 Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Salomon.

17 At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,

18 At ang Baalath, at ang Tamar sa ilang, sa lupain,

19 At ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.

20 Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;

21 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila nagtindig si Salomon ng pulutong ng alipin, hanggang sa araw na ito.

22 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

24 Nguni't ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang Millo.

25 At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.

26 At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.

27 At sinugo ni Hiram sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.

28 At sila'y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, at dinala sa haring Salomon.

When Solomon finished the building of the Lord’s house and the king’s house, and all he desired and was pleased to do,

The Lord appeared to Solomon the second time, as He had appeared to him at Gibeon.

The Lord told him, I have heard your prayer and supplication which you have made before Me; I have hallowed this house which you have built, and I have put My Name [and My Presence] there forever. My eyes and My heart shall be there perpetually.

And if you will walk before Me, as David your father walked, in integrity of heart and uprightness, doing according to all that I have commanded you, keeping My statutes and My precepts,

Then I will establish your royal throne over Israel forever, as I promised David your father, saying, There shall not fail you [to have] a man upon the throne of Israel.

But if you turn away from following Me, you or your children, and will not keep My commandments and My statutes which I have set before you but go and serve other gods and worship them,

Then I will cut off Israel from the land I have given them, and this house I have hallowed for My Name (renown) I will cast from My sight. And Israel shall be a proverb and a byword among all the peoples.

This house shall become a heap of ruins; every passerby shall be astonished and shall hiss [with surprise] and say, Why has the Lord done thus to this land and to this house?

Then they will answer, Because they forsook the Lord their God, Who brought their fathers out of the land of Egypt, and have laid hold of other gods and have worshiped and served them; therefore the Lord has brought on them all this evil.

10 At the end of twenty years, in which Solomon had built the two houses, the Lord’s house and the king’s house,

11 For which Hiram king of Tyre had furnished Solomon with as much cedar and cypress timber and gold as he desired, King Solomon gave Hiram twenty cities in the land of Galilee.

12 And Hiram came from Tyre to see the cities which Solomon had given him, and they did not please him.

13 He said, What are these cities worth which you have given me, my brother? So they are called the Cabul [unproductive] Land to this day.

14 And Hiram sent to the king 120 talents of gold.

15 This is the account of the levy [of forced labor] which King Solomon raised to build the house of the Lord, his own house, the Millo, the wall of Jerusalem, Hazor, Megiddo, and Gezer.

16 For Pharaoh king of Egypt had gone up and taken Gezer, burned it with fire, slew the Canaanites who dwelt in the city, and had given it as dowry to his daughter, Solomon’s wife.

17 So Solomon rebuilt Gezer and Lower Beth-horon,

18 Baalath and Tamar (Tadmor) in the wilderness, in the land of Judah,

19 And all the store cities which Solomon had and cities for his chariots and cities for his horsemen, and whatever Solomon desired to build [a]for his pleasure in Jerusalem, in Lebanon, and in all the land of his dominion.

20 As for all the people who were left of the Amorites, Hittites, Perizzites, Hivites, and Jebusites, who were not Israelites,

21 Their children who were left after them in the land, whom the Israelites were not able utterly to destroy, of them Solomon made a forced levy of slaves to this day.

22 But Solomon made no slaves of the Israelites; they were the soldiers, his officials, attendants, commanders, captains, chariot officers, and horsemen.

23 These were the chief officers over Solomon’s work, 550 who had charge of the people who did the work.

24 But Pharaoh’s daughter came up out of the City of David to her house which Solomon had built for her; then he built the Millo.

25 Three times a year Solomon offered burnt offerings and peace offerings on the altar he built to the Lord, and he burned incense with them before the Lord. So he finished the house.

26 And King Solomon made a fleet of ships in Ezion-geber, which is beside Eloth, on the shore of the Red Sea, in Edom.

27 And Hiram sent with the fleet his servants, shipmen who had knowledge of the sea, with the servants of Solomon.

28 They came to Ophir and got 420 talents of gold and brought it to King Solomon.

Footnotes

  1. 1 Kings 9:19 Once on the throne Solomon became a thoroughgoing despot. All political power was taken out of the hands of the tribal sheiks... and placed in the hands of officers who were simply puppets of Solomon. The resources of the nation were expended not on works of public utility but on the personal aggrandizement of the monarch. In the means he took to gratify his passions he showed himself to be little better than a savage (James Orr et al., eds., The International Standard Bible Encyclopedia). The division of the nation at Solomon’s death with all the weakness and misery that it caused [idolatry, ignoring God, captivity, exile, the loss of the ten tribes] through the coming centuries was the direct outgrowth of Solomon’s unholy self-indulgence (Amos R. Wells, Bible Miniatures). Because of his extensive building program and his extravagant expenditures in the maintenance of his luxurious court, he resorted to forced labor and heavy taxation. Bitter opposition to his rule thus engendered the division of the united kingdom after his death (The New Jewish Encyclopedia).

And it came to pass, when Solomon had finished the building of the house of the Lord, and the king's house, and all Solomon's desire which he was pleased to do,

That the Lord appeared to Solomon the second time, as he had appeared unto him at Gibeon.

And the Lord said unto him, I have heard thy prayer and thy supplication, that thou hast made before me: I have hallowed this house, which thou hast built, to put my name there for ever; and mine eyes and mine heart shall be there perpetually.

And if thou wilt walk before me, as David thy father walked, in integrity of heart, and in uprightness, to do according to all that I have commanded thee, and wilt keep my statutes and my judgments:

Then I will establish the throne of thy kingdom upon Israel for ever, as I promised to David thy father, saying, There shall not fail thee a man upon the throne of Israel.

But if ye shall at all turn from following me, ye or your children, and will not keep my commandments and my statutes which I have set before you, but go and serve other gods, and worship them:

Then will I cut off Israel out of the land which I have given them; and this house, which I have hallowed for my name, will I cast out of my sight; and Israel shall be a proverb and a byword among all people:

And at this house, which is high, every one that passeth by it shall be astonished, and shall hiss; and they shall say, Why hath the Lord done thus unto this land, and to this house?

And they shall answer, Because they forsook the Lord their God, who brought forth their fathers out of the land of Egypt, and have taken hold upon other gods, and have worshipped them, and served them: therefore hath the Lord brought upon them all this evil.

10 And it came to pass at the end of twenty years, when Solomon had built the two houses, the house of the Lord, and the king's house,

11 (Now Hiram the king of Tyre had furnished Solomon with cedar trees and fir trees, and with gold, according to all his desire,) that then king Solomon gave Hiram twenty cities in the land of Galilee.

12 And Hiram came out from Tyre to see the cities which Solomon had given him; and they pleased him not.

13 And he said, What cities are these which thou hast given me, my brother? And he called them the land of Cabul unto this day.

14 And Hiram sent to the king sixscore talents of gold.

15 And this is the reason of the levy which king Solomon raised; for to build the house of the Lord, and his own house, and Millo, and the wall of Jerusalem, and Hazor, and Megiddo, and Gezer.

16 For Pharaoh king of Egypt had gone up, and taken Gezer, and burnt it with fire, and slain the Canaanites that dwelt in the city, and given it for a present unto his daughter, Solomon's wife.

17 And Solomon built Gezer, and Bethhoron the nether,

18 And Baalath, and Tadmor in the wilderness, in the land,

19 And all the cities of store that Solomon had, and cities for his chariots, and cities for his horsemen, and that which Solomon desired to build in Jerusalem, and in Lebanon, and in all the land of his dominion.

20 And all the people that were left of the Amorites, Hittites, Perizzites, Hivites, and Jebusites, which were not of the children of Israel,

21 Their children that were left after them in the land, whom the children of Israel also were not able utterly to destroy, upon those did Solomon levy a tribute of bondservice unto this day.

22 But of the children of Israel did Solomon make no bondmen: but they were men of war, and his servants, and his princes, and his captains, and rulers of his chariots, and his horsemen.

23 These were the chief of the officers that were over Solomon's work, five hundred and fifty, which bare rule over the people that wrought in the work.

24 But Pharaoh's daughter came up out of the city of David unto her house which Solomon had built for her: then did he build Millo.

25 And three times in a year did Solomon offer burnt offerings and peace offerings upon the altar which he built unto the Lord, and he burnt incense upon the altar that was before the Lord. So he finished the house.

26 And king Solomon made a navy of ships in Eziongeber, which is beside Eloth, on the shore of the Red sea, in the land of Edom.

27 And Hiram sent in the navy his servants, shipmen that had knowledge of the sea, with the servants of Solomon.

28 And they came to Ophir, and fetched from thence gold, four hundred and twenty talents, and brought it to king Solomon.