Add parallel Print Page Options

25 Tatlong beses sa bawat taon, nag-aalay si Solomon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon[a] doon sa altar na ipinagawa niya para sa Panginoon. Nagsusunog din siya ng mga insenso sa presensya ng Panginoon.

Kaya natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo.

26 Nagpagawa rin si Solomon ng mga barko sa Ezion Geber, malapit sa Elat[b] na sakop ng Edom, sa dalampasigan ng Dagat na Pula. 27 Nagpadala si Hiram ng mga marino na bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:25 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  2. 9:26 Elat: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, Elot.