1 Hari 8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dinala sa Templo ang Kahon ng Kasunduan(A)
8 Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga tagapamahala ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at mga pamilya sa Israel para kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David. 2 Pumunta silang lahat kay Haring Solomon noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, noong buwan ng Etanim, na siyang ikapitong buwan. 3-4 Nang magkatipon na ang lahat ng tagapamahala ng Israel, kinuha ng mga pari at ng mga Levita[a] ang Kahon ng Panginoon, pati ang Toldang Tipanan at ang mga banal na gamit nito at dinala nila ang lahat ng ito sa templo. 5 Naghandog si Haring Solomon at ang buong mamamayan ng Israel sa harapan ng Kahon ng Kasunduan. Napakaraming tupa at baka ang kanilang inihandog, hindi ito mabilang dahil sa dami.
6 Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng pakpak ng mga kerubin. 7 Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin, kaya natatakpan nito ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito. 8 Itong mga hawakang pasanan ay mahaba, ang dulo nito ay kita sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng templo, pero hindi ito makita sa labas ng Banal na Lugar. At naroon pa ito hanggang ngayon. 9 Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Egipto.
10 Nang lumabas ang mga pari sa Banal na Lugar, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon. 11 Hindi na makagawa ang mga pari sa kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay bumalot sa kanyang templo.
12 At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po Panginoon na maninirahan kayo sa makapal na ulap. 13 Ngayon, nagpatayo po ako ng kahanga-hangang na templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”
Ang Mensahe ni Solomon sa mga Mamamayan ng Israel(B)
14 Pagkatapos, humarap si Haring Solomon sa buong mamamayan ng Israel na nakatayo roon at binasbasan niya sila. 15 Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sinabi niya noon, 16 ‘Mula nang panahon na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Egipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel para pagtayuan ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ngunit pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’
17 “Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Dios ng Israel. 18 Pero sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. 19 Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.’
20 “Tinupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang templo para parangalan ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 21 Nagpagawa ako ng lugar doon sa templo para sa Kahon, kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa ating mga ninuno nang inilabas niya sila sa Egipto.”
Ang Panalangin ni Solomon para sa Bayan ng Israel(C)
22 Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay, 23 at nanalangin, “Panginoon, Dios ng Israel, wala pong Dios na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad nʼyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ninyo ang inyong pag-ibig sa mga lingkod ninyong buong pusong sumusunod sa inyo. 24 Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako, at kayo rin ang tumupad sa araw na ito. 25 At ngayon, Panginoon, Dios ng Israel, tuparin nʼyo rin po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama nang sinabi nʼyo sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa akin ang mga angkan mo, tulad ng iyong ginawa.’ 26 Kaya ngayon, O Dios ng Israel, tuparin nʼyo ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.
27 “Pero makakapanahan po ba talaga kayo, O Dios, dito sa mundo? Ni hindi nga po kayo magkasya kahit sa pinakamataas na langit, dito pa kaya sa templo na ipinatayo ko? 28 Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Dios. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya ngayon. 29 Ingatan nʼyo po sana ang templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong dito pararangalan ang pangalan nʼyo. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin na nakaharap sa lugar na ito. 30 Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami riyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.
31 “Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa templo na ito para sumumpa na inosente siya, 32 dinggin nʼyo po ito riyan sa langit at hatulan ang inyong mga lingkod – ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.
33 “Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri at manalangin sa templong ito, 34 dinggin nʼyo po sila riyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.
35 “Kung hindi nʼyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila, 36 dinggin nʼyo po sila riyan sa langit. Patawarin nʼyo po sila na inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.
37 “Kung may dumating pong taggutom sa lupain ng inyong mga mamamayan, o salot, o malanta ang mga tanim, o peste sa mga tanim gaya ng mga balang at mga uod, o palibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o sumapit man sa kanila ang kahit anong karamdaman, 38 at kung mayroon po sa kanila na mananalangin o hihiling sa inyo dinggin nʼyo po sila, at kung kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at manalangin po sila ng nakataas ang kanilang mga kamay, na nakaharap sa templong ito, 39 dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. 40 Gawin nʼyo po ito para gumalang sila sainyo habang nabubuhay sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.
41-42 “Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito para sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa templong ito, 43 dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, para ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At para malaman po nilang pinaparangalan kayo sa templo na aking ipinatayo.
44 “Kung ang inyo pong mga mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo, Panginoon, na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, 45 dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.[b] 46 Kung magkasala sila sa inyo – dahil wala kahit isa man na hindi nagkakasala – at sa inyong galit ay ipinatalo nʼyo sila sa kanilang mga kalaban at binihag sa sariling lupain at dinala sila sa malayo o sa malapit na lugar, 47 at kung sa huliʼy magbago ang kanilang mga puso roon sa lugar ng kanilang mananakop, at magsisi at magmakaawa po sa inyo na nagsasabi, ‘Nagkasala kami, at napakasama ng aming mga ginawa,’ 48 pakinggan nʼyo po ang kanilang dalangin. Kung babalik po sila sa inyo nang buong pusoʼt isipan, doon sa lugar ng mga kaaway na bumihag sa kanila, at manalangin sila sa inyo na nakaharap sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa kanilang mga ninuno, sa lungsod na ito na inyong hinirang at sa templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, 49 dinggin nʼyo po ang kanilang dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. 50 Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan at mga paglabag sa inyo, at loobin nʼyong kahabagan sila ng mga bumihag sa kanila. 51 Dahil silaʼy mga taong inyong pagmamay-ari. Inilabas ninyo sila sa Egipto, ang lugar na tulad ng naglalagablab na hurno.
52 “Pansinin sana ninyo ang mga kahilingan ko at ang mga kahilingan ng inyong mga mamamayang Israelita, at pakinggan ninyo sana sila kapag nanalangin sila sa inyo. 53 Dahil hinirang ninyo sila, Panginoong Dios, sa lahat ng bansa sa mundo bilang bayan na inyong pagmamay-ari, ayon sa sinabi ninyo kay Moises na inyong lingkod, nang inilabas ninyo ang aming mga ninuno sa Egipto.”
54 Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin at kahilingan sa Panginoon, tumayo siya sa harapan ng altar ng Panginoon, kung saan siya nakaluhod at nakataas ang mga kamay sa langit. 55 Binasbasan niya ang buong sambayanan ng Israel at sinabi nang may malakas na tinig, 56 “Purihin ang Panginoon na nagbigay ng kapahingahan sa mga mamamayan niyang Israelita ayon sa kanyang ipinangako. Tinupad niya ang lahat ng ipinangako niya kay Moises na kanyang lingkod. 57 Samahan sana tayo ng Panginoon na ating Dios tulad ng pagsama niya sa ating mga ninuno. Huwag sana niya tayong itaboy o pabayaan. 58 Gawin sana niya tayong masunurin sa kanya para makapamuhay tayo ayon sa kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa ating mga ninuno. 59 Palagi sanang maalala ng Panginoon na ating Dios, araw at gabi, ang mga panalangin kong ito. Nawaʼy tulungan niya ako at ang mga mamamayan niyang Israelita, ayon sa kanilang pangangailangan bawat araw, 60 para malaman ng lahat ng bayan sa buong mundo na ang Panginoon ay siyang Dios at wala nang iba pa. 61 At sana, kayong mga Israelita ay maging tapat sa Panginoon na ating Dios. Tuparin ninyo ang kanyang mga tuntunin at mga utos katulad ng ginagawa ninyo ngayon.”
Ang Pagtatalaga ng Templo(D)
62 Pagkatapos, naghandog sa Panginoon si Haring Solomon at ang lahat ng Israelita na kasama niya. 63 Nag-alay sila ng mga handog para sa mabuting relasyon: 22,000 baka at 120,000 tupa at kambing. Sa ganitong paraan, itinalaga ng hari at ng lahat ng mga Israelita ang templo ng Panginoon. 64 Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog para sa mabuting relasyon. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.
65 Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo Hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Egipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang[c] Dios sa loob ng 14 na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. 66 Pagkatapos ng Pista,[d] pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi sila na may galak dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.
1 Kings 8
GOD’S WORD Translation
The Lord Comes to His Temple(A)
8 Then Solomon assembled the respected leaders of Israel, all the heads of the tribes, and the leaders of the Israelite families. They came to King Solomon in Jerusalem to take the ark of the Lord’s promise from the City of David (that is, Zion). 2 All the people of Israel gathered around King Solomon at the Festival ⌞of Booths⌟ in the month of Ethanim, the seventh month.
3 When all the leaders of Israel had arrived, the priests picked up the Lord’s ark. 4 They brought the ark, the tent of meeting, and all the holy utensils in it ⌞to the temple⌟. The priests and the Levites carried them 5 while King Solomon with the whole assembly from Israel were offering countless sheep and cattle sacrifices in front of the ark. 6 The priests brought the ark of the Lord’s promise to its place in the inner room of the temple (the most holy place) under the wings of the angels.[a]
7 When the angels’ outstretched wings were over the place where the ark ⌞rested⌟, the angels became a covering above the ark and its poles. 8 The poles were so long that their ends could be seen in the holy place by anyone standing in front of the inner room, but they couldn’t be seen outside. (They are still there today.) 9 There was nothing in the ark except the two stone tablets Moses put there at Horeb, where the Lord made a promise to the Israelites after they left Egypt.
10 When the priests left the holy place, a cloud filled the Lord’s temple. 11 The priests couldn’t serve because of the cloud. The Lord’s glory filled his temple.
Solomon Addresses the People(B)
12 Then Solomon said, “The Lord said he would live in a dark cloud. 13 I certainly have built you a high temple, a home for you to live in permanently.”
14 Then the king turned around and blessed the whole assembly of Israel while they were standing. 15 “Thanks be to the Lord God of Israel. With his mouth he made a promise to my father David; with his hand he carried it out. He said, 16 ‘Ever since I brought my people Israel out of Egypt, I didn’t choose any city in any of the tribes of Israel as a place to build a temple for my name. But now I’ve chosen David to rule my people Israel.’
17 “My father David had his heart set on building a temple for the name of the Lord God of Israel. 18 However, the Lord said to my father David, ‘Since you had your heart set on building a temple for my name, your intentions were good. 19 But you must not build the temple. Instead, your own son will build the temple for my name.’ 20 The Lord has kept the promise he made. I have taken my father David’s place, and I sit on the throne of Israel as the Lord promised. I’ve built the temple for the name of the Lord God of Israel. 21 I’ve made a place there for the ark which contains the Lord’s promise that he made to our ancestors when he brought them out of Egypt.”
Solomon’s Prayer(C)
22 In the presence of the entire assembly of Israel, Solomon stood in front of the Lord’s altar. He stretched out his hands toward heaven 23 and said,
“Lord God of Israel,
there is no god like you in heaven above or on earth below.
You keep your promise [b] of mercy to your servants,
who obey you wholeheartedly.
24 You have kept your promise to my father David, your servant.
With your mouth you promised it.
With your hand you carried it out as it is today.
25 “Now, Lord God of Israel,
keep your promise to my father David, your servant.
You said, ‘You will never fail to have an heir
sitting in front of me on the throne of Israel
if your descendants are faithful to me
as you have been faithful to me.’
26 “So now, God of Israel,
may the promise you made to my father David,
your servant, come true.
27 “Does God really live on earth?
If heaven itself, the highest heaven, cannot hold you,
then how can this temple that I have built?
28 Nevertheless, my Lord God, please pay attention to my prayer for mercy.
Listen to my cry for help as I pray to you today.
29 Night and day may your eyes be on this temple,
the place about which you said, ‘My name will be there.’
Listen to me as I pray toward this place.
30 Hear the plea for mercy
that your people Israel and I pray toward this place.
Hear us ⌞when we pray⌟ to heaven, the place where you live.
Hear and forgive.
31 “If anyone sins against another person
and is required to take an oath
and comes to take the oath in front of your altar in this temple,
32 then hear ⌞that person⌟ in heaven, take action, and make a decision.
Condemn the guilty person with the proper punishment,
but declare the innocent person innocent.
33 “An enemy may defeat your people Israel
because they have sinned against you.
But when your people turn to you, praise your name, pray,
and plead with you in this temple,
34 then hear ⌞them⌟ in heaven, forgive the sins of your people Israel,
and bring them back to the land that you gave to their ancestors.
35 “When the sky is shut and there’s no rain
because they are sinning against you,
and they pray toward this place, praise your name,
and turn away from their sin because you made them suffer,
36 then hear ⌞them⌟ in heaven.
Forgive the sins of your servants, your people Israel.
Teach them the proper way to live.
Then send rain on the land,
which you gave to your people as an inheritance.
37 “There may be famine in the land.
Plant diseases, heat waves, funguses, locusts,
or grasshoppers may destroy crops.
Enemies may blockade Israel’s city gates.
During every plague or sickness
38 ⌞hear⌟ every prayer for mercy,
made by one person or by all the people in Israel,
whose consciences bother them,
who stretch out their hands toward this temple.
39 Hear ⌞them⌟ in heaven, where you live.
Forgive ⌞them⌟, and take action.
Give each person the proper reply.
(You know what is in their hearts,
because you alone know what is in the hearts of all people.)
40 Then, as long as they live in the land that you gave to our ancestors,
they will fear you.
41 “People will hear about your great name,
mighty hand, and powerful arm.[c]
So when people who are not Israelites
come from distant countries because of your name
42 to pray facing this temple,
43 hear ⌞them⌟ in heaven, the place where you live.
Do everything they ask you
so that all the people of the world may know your name
and fear you like your people Israel
and learn also that this temple which I built bears your name.
44 “When your people go to war against their enemies
(wherever you may send them)
and they pray to you, O Lord, toward the city you have chosen
and the temple I built for your name,
45 then hear their prayer for mercy in heaven,
and do what is right ⌞for them⌟.
46 “They may sin against you.
(No one is sinless.)
You may become angry with them and hand them over to an enemy
who takes them to ⌞another⌟ country as captives,
⌞whether it is⌟ far or near.
47 If they come to their senses,
are sorry for what they’ve done,
and plead with you in the land where they are captives,
saying, ‘We have sinned. We have done wrong.
We have been wicked,’
48 if they change their attitude toward you
in the land of their enemies where they are captives,
if they pray to you
toward the land that you gave their ancestors,
and the city you have chosen,
and the temple I have built for your name,
49 then in heaven, the place where you live, hear their prayer for mercy.
Do what is right for them.
50 Forgive your people, who have sinned against you.
⌞Forgive⌟ all their wrongs when they rebelled against you,
and cause those who captured them to have mercy on them
51 because they are your own people
whom you brought out of Egypt
from the middle of an iron smelter.
52 “May your eyes always see my plea and your people Israel’s plea
so that you will listen to them whenever they call on you.
53 After all, you, Lord God, set them apart from all the people of the world
to be your own as you promised through your servant Moses
when you brought our ancestors out of Egypt.”
Solomon Blesses the People
54 When Solomon finished praying this prayer for mercy to the Lord, he stood in front of the Lord’s altar, where he had been kneeling with his hands stretched out toward heaven. 55 Then he stood and in a loud voice blessed the entire assembly of Israel, 56 “Thanks be to the Lord! He has given his people Israel rest, as he had promised. None of the good promises he made through his servant Moses has failed to come true. 57 May the Lord our God be with us as he was with our ancestors. May he never leave us or abandon us. 58 May he bend our hearts toward him. Then we will follow him and keep his commands, laws, and rules, which he commanded our ancestors ⌞to keep⌟. 59 May these words which I have prayed to the Lord be near the Lord our God day and night. Then he will give me and his people Israel justice every day as it is needed. 60 In this way all the people of the world will know that the Lord is God and there is no other ⌞god⌟. 61 May your hearts be committed to the Lord our God. Then you will live by his laws and keep his commands as you have today.”
Solomon Offers Sacrifices(D)
62 Then the king and all Israel offered sacrifices to the Lord. 63 Solomon sacrificed 22,000 cattle and 120,000 sheep as fellowship offerings to the Lord. So the king and all the people of Israel dedicated the Lord’s temple.
64 On that day the king designated the courtyard in front of the Lord’s temple as a holy place. He sacrificed the burnt offerings, grain offerings, and the fat from the fellowship offerings because the bronze altar in front of the Lord was too small to hold all of them.
65 At that time Solomon and all Israel celebrated the Festival ⌞of Booths⌟. A large crowd had come from ⌞the territory between⌟ the border of Hamath and the River of Egypt to be near the Lord our God for seven days.[d] 66 On the eighth day he dismissed the people. They blessed the king and went to their tents. They rejoiced with cheerful hearts for all the blessings the Lord had given his servant David and his people Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 1995, 2003, 2013, 2014, 2019, 2020 by God’s Word to the Nations Mission Society. All rights reserved.