Add parallel Print Page Options

31 Siya ang pinakamatalino sa lahat. Mas matalino pa siya kaysa kay Etan na Ezrano at sa mga anak ni Mahol na sina Heman, Calcol at Darda. At naging tanyag siya sa mga nakapaligid na bansa. 32 Gumawa siya ng 3,000 kawikaan at 1,005 awit. 33 Makapagsasabi siya ng tungkol sa lahat ng uri ng pananim, mula sa malalaking punongkahoy hanggang sa maliliit na pananim.[a] Makapagsasabi rin siya tungkol sa lahat ng uri ng hayop na lumalakad, gumagapang, lumilipad, at lumalangoy.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:33 mula sa malalaking … pananim: sa literal, mula sa sentro ng Lebanon hanggang sa isopo na tumutubo sa dingding.