Add parallel Print Page Options

15 Dinala niya sa templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at ang iba pang mga bagay na inihandog niya, at ng kanyang ama sa Panginoon.

16 Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasha na hari ng Israel. 17 Nilusob ni Haring Baasha ng Israel ang Juda, at pinalibutan niya ng pader ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.

Read full chapter