Add parallel Print Page Options

Ang Sinabi ni Propeta Ahia Laban kay Jeroboam

14 Nang panahong iyon, nagkasakit ang anak na lalaki ni Jeroboam na si Abijah. Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Shilo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahia, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel. Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang garapong pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.” Kaya pumunta ang asawa ni Jeroboam sa bahay ni Ahia sa Shilo. Matanda na si Ahia at hindi na makakita. Pero sinabi ng Panginoon kay Ahia, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”

Nang marinig ni Ahia na papasok siya sa pintuan, sinabi ni Ahia, “Halika, pumasok ka. Alam kong asawa ka ni Jeroboam. Bakit ka nagbabalat-kayo? May masamang balita ako sa iyo. Umuwi ka at sabihin mo kay Jeroboam na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: ‘Ikaw ang pinili ko sa lahat ng tao para gawing pinuno ng mga mamamayan kong Israelita. Kinuha ko ang kaharian sa pamilya ni David at ibinigay sa iyo. Pero hindi ka katulad ni David na lingkod ko. Tinupad niya ang mga utos ko, sumunod siya sa akin nang buong puso, at gumawa ng matuwid sa aking paningin. Mas masama ang ginawa mo kaysa sa ginawa ng mga pinunong nauna sa iyo. Itinakwil mo ako at ipinagpalit sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga dios-diosang gawa sa metal. 10 Dahil dito, padadalhan ko ng kapahamakan ang sambahayan mo. Papatayin ko ang lahat ng lalaki, alipin man o hindi. Wawasakin ko nang lubusan ang sambahayan mo tulad ng dumi[a] na sinunog at walang natira. 11 Ang mga miyembro ng sambahayan mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.’ Mangyayari ito dahil Ako, ang Panginoon, ang nagsabi nito.”

12 Pagkatapos, sinabi ni Ahia sa asawa ni Jeroboam, “Umuwi ka na sa inyo. Pagdating mo sa inyong lungsod, mamamatay ang iyong anak. 13 Ipagluluksa siya ng buong Israel at ililibing. Siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang maililibing ng maayos, dahil siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang kinalugdan ng Panginoon, ang Dios ng Israel. 14 At sa panahong ito, maglalagay ang Panginoon ng hari sa Israel na siyang gigiba sa sambahayan ni Jeroboam. 15 Parurusahan ng Panginoon ang Israel hanggang sa manginig ito tulad ng talahib na humahapay-hapay sa agos ng tubig. Aalisin niya sila sa magandang lupaing ito, na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno, at pangangalatin sila sa unahan ng Ilog ng Eufrates dahil ginalit nila siya nang gumawa sila ng mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. 16 Pababayaan niya sila dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.”

17 Pagkatapos, umuwi ang asawa ni Jeroboam sa Tirza. Pagdating niya sa pintuan ng bahay nila, namatay agad ang kanyang anak. 18 Ipinagluksa ng buong Israel ang kanyang anak at inilibing nila ito, ayon nga sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Propeta Ahia.

19 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jeroboam, pati na ang kanyang pakikipaglaban ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. 20 Naghari si Jeroboam sa Israel sa loob ng 22 taon. Nang mamatay siya, ang anak niyang si Nadab ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Rehoboam sa Juda(A)

21 Si Rehoboam na anak ni Solomon ang hari sa Juda, 41 taong gulang siya nang maging hari. Naghari siya sa loob ng 17 taon sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ng Panginoon sa lahat ng lahi ng Israel, kung saan pararangalan siya. Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na taga-Ammon.

22 Gumawa ng kasamaan ang mga mamamayan ng Juda sa paningin ng Panginoon, at mas matindi pa ang galit ng Panginoon sa kanila kaysa sa kanilang mga ninuno, dahil mas matindi ang mga kasalanan nila. 23 Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar[b] at mga alaalang bato. At nagpatayo sila ng mga posteng simbolo ng diosang si Ashera sa ibabaw ng bawat burol at sa lilim ng bawat malalagong punongkahoy. 24 Bukod pa rito, may mga lalaki at babaeng bayaran sa lugar na pinagsasambahan nila. Gumawa ang mga mamamayan ng Juda ng lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

25 Nang ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam, nilusob ni Haring Shisak ng Egipto ang Jerusalem. 26 Kinuha niya ang mga kayamanan sa templo ng Panginoon at sa palasyo. Kinuha niya ang lahat, pati na rin ang lahat ng pananggalang na ginto na ipinagawa ni Solomon. 27 Kaya nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga pananggalang na tanso na kapalit ng mga ito, at ipinamahala niya ito sa mga opisyal ng mga guwardya na nagbabantay sa pintuan ng palasyo. 28 At kapag pupunta ang hari sa templo ng Panginoon, sasama sa kanya ang mga tagapagbantay na dala ang mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibabalik din nila ito sa kanilang kwarto.

29 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Rehoboam, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari sa Juda. 30 Palaging naglalaban sila Rehoboam at Jeroboam. 31 Nang mamatay si Rehoboam, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. (Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na taga-Ammon.) At ang anak niyang si Abijah[c] ang pumalit sa kanya bilang hari.

Footnotes

  1. 14:10 dumi: o, dumi ng hayop.
  2. 14:23 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  3. 14:31 Abijah: Tinatawag din siyang Abijam.

Judgment for Jeroboam Continues

14 At that time, Abijah son of Jeroboam became ill. Jeroboam said to his wife, “Please get up and disguise yourself so that they will not know that you are the wife of Jeroboam, and go to Shiloh. Look, Ahijah the prophet is there, and he spoke concerning me before I became king over this people. You must take ten loaves of bread in your hand and cakes and a jar of honey, and you must go to him. He shall tell you what will happen to the boy.” The wife of Jeroboam did so. She got up, went to Shiloh, and came to the house of Ahijah. Now Ahijah was not able to see, for his eyes were fixed[a] because of his old age. Then Yahweh said to Ahijah, “Look, the wife of Jeroboam is coming to seek a word from you about her son, for he is ill. Thus and so[b] you shall say to her. When she comes, she will be disguising herself.” It happened at the moment Ahijah heard the sound of her footsteps coming through the doorway, he said, “Come in, wife of Jeroboam. Why are you making yourself unrecognizable? I have been sent a hard message for you: Go, tell Jeroboam, ‘Thus says Yahweh the God of Israel: “Because I raised you from the midst of the people and I made you leader over my people Israel, I tore the kingdom from the house of David and I gave it to you. But you were not like my servant David who kept my commandments, and who went after me with all his heart, to do only what is right in my eyes. But you did more evil than all who were before you. You have gone and made for yourself other gods and molten idols to provoke me, but me you have completely disregarded.[c] 10 Therefore, look, I am about to bring disaster upon the house of Jeroboam, and I will cut off males[d] from Jeroboam, bond or free, in Israel. I will burn after the house of Jeroboam as one burns after the manure, until it is finished. 11 He who dies for Jeroboam in the city, the dogs will eat. He who dies in the open field, the birds from the heavens will eat, for Yahweh has spoken it.”’ 12 As for you, get up. Go to your house. When your feet enter the city, the child will die. 13 All of Israel will mourn for him, and they will bury him. This one alone will come to a tomb for Jeroboam, because a good thing has been found in him by Yahweh the God of Israel in the house of Israel. 14 Yahweh will raise up a king for himself over Israel who will even now cut off the house of Jeroboam this day. 15 Yahweh will strike Israel as one shakes the reed plant in the water, and he will root Israel up from this good land that he gave to their ancestors.[e] He will scatter them beyond the River[f] because they have made their sacred poles which are provoking Yahweh. 16 He will give up Israel because of the sin of Jeroboam which he sinned and which he caused Israel to sin.”

17 Then the wife of Jeroboam got up, went, and came to Tirzah. As she was coming to the threshold of the house, the boy died. 18 They buried him and all of Israel mourned for him, according to the word of Yahweh which he had spoken by the hand of his servant Ahijah the prophet. 19 The remainder of the acts of Jeroboam, how he fought and how he reigned, behold, they are written in the scroll of the events of the days of the kings of Israel. 20 The days which Jeroboam reigned were twenty-two years, and he slept with his ancestors.[g] Then Nadab his son became king in place of him.

Rehoboam Reigns in Judah

21 Now Rehoboam the son of Solomon reigned in Judah. He was forty-one years old when he began to reign, and he reigned seventeen years in Jerusalem, the city which, from all of the tribes of Israel, Yahweh chose to place his name. And the name of his mother was Naamah the Ammonitess. 22 But Judah did evil in the eyes of Yahweh, and they annoyed him more than their fathers[h] did with their sins that they had committed. 23 They also built for themselves high places and stone pillars and sacred poles on every high hill and under every green tree. 24 There were also male shrine prostitutes in the land, and they did according to all the abominations of the nations which Yahweh had driven out from before the Israelites.[i]

Pharaoh Shishak of Egypt Raids Jerusalem

25 It happened in the fifth year of King Rehoboam that Shishak the king of Egypt came up against Jerusalem, 26 and he took the treasures of the house of Yahweh, and he took all the treasures of the king’s house. He took the small gold shields that Solomon had made, 27 so King Rehoboam made small copper shields in place of them and entrusted them[j] to the commanders of the royal guard who keep the doorway of the king’s house. 28 Whenever the king came to the house of Yahweh, the royal guard carried them and brought them back to the alcove room of the royal guard. 29 The remainder of the acts of Rehoboam and all that he did, are they not written on the scroll of the events of the days of the kings of Judah? 30 There was always war between Rehoboam and Jeroboam. 31 Then Rehoboam slept with his ancestors,[k] and he was buried with his ancestors[l] in the city of David. The name of his mother was Naamah the Ammonitess. Abijam his son became king in his place.

Footnotes

  1. 1 Kings 14:4 Literally “his eyes stood”
  2. 1 Kings 14:5 Literally “As this and as this”
  3. 1 Kings 14:9 Literally “hurled behind your back”
  4. 1 Kings 14:10 Literally “those who urinate against a wall”
  5. 1 Kings 14:15 Or “fathers”
  6. 1 Kings 14:15 That is, the Euphrates
  7. 1 Kings 14:20 Or “fathers”
  8. 1 Kings 14:22 Or “ancestors”
  9. 1 Kings 14:24 Literally “sons/children of Israel”
  10. 1 Kings 14:27 Literally “he assigned on the hand”
  11. 1 Kings 14:31 Or “fathers”
  12. 1 Kings 14:31 Or “fathers”