Add parallel Print Page Options

26 Nakapagtipon si Solomon ng 14,000 mga karwahe at 12,000 kabayo. Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 27 Nang panahong siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay tulad lang ng mga pangkaraniwang bato, at ang kahoy na sedro ay parang kasindami ng mga pangkaraniwang puno ng sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[a] 28 Ang mga kabayo ni Solomon ay galing pa sa Egipto[b] at sa Cilicia.[c] Binili ito sa Cilicia ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:27 kaburulan sa kanluran: sa literal, Shefela.
  2. 10:28 Egipto: o, Muzur, na isang lugar na malapit sa Cilicia.
  3. 10:28 Cilicia: sa Hebreo, Kue. Maaaring isang pangalan ng Cilicia.