Add parallel Print Page Options

33 At sinabi ng hari sa kanila, “Pasakayin mo ang anak kong si Solomon sa aking mola[a] at dalhin ninyo siya sa Gihon kasama ang aking mga pinuno. 34 Pagdating ninyo doon, kayo Zadok at Natan, pahiran ninyo ng langis ang ulo ni Solomon para ipakita na siya ang pinili kong maging hari ng Israel. Pagkatapos, patunugin nʼyo ang trumpeta at isigaw, ‘Mabuhay si Haring Solomon!’ 35 Pagkatapos, samahan nʼyo siya pabalik dito, uupo siya sa aking trono at papalit sa akin bilang hari. Siya ang pinili ko na mamamahala sa buong Israel at Juda.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:33 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.