Add parallel Print Page Options

60 At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.

Read full chapter

11 (A)At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa (B)lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.

12 Nguni't (C)ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.

13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila (D)ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at (E)ang Libna pati ng mga nayon niyaon;

14 At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.

15 At ang (F)Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;

16 At ang (G)Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.

17 At sa lipi ni Benjamin, ang (H)Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang (I)Geba pati ng mga nayon niyaon;

18 Ang (J)Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang (K)Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.

19 Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Read full chapter