Add parallel Print Page Options

Ito ang listahan ng mga sambahayan at angkang nagmula sa lipi ni Ruben: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias, at Bela na anak ni Azaz at apo ni Sema mula sa angkan ni Joel. Ang angkang ito ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon. Dahil marami silang kawan sa lupain ng Gilead, tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang na ang dulo ay nasa Ilog Eufrates.

Read full chapter