Add parallel Print Page Options

Anak(A) ni Baal si Beera, ang pinuno ng mga Rubenita na dinalang-bihag ni Tiglat-pileser sa Asiria. Ito ang listahan ng mga sambahayan at angkang nagmula sa lipi ni Ruben: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias, at Bela na anak ni Azaz at apo ni Sema mula sa angkan ni Joel. Ang angkang ito ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon.

Read full chapter