Add parallel Print Page Options

Ang mga Anak na Lalaki ni David

Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel[a] ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel. Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit. Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 Daniel: o, Kileab.