1 Cronica 3:1-9
Ang Biblia (1978)
Mga anak ni Juda (karugtong).
3 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (A)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;
2 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
3 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
4 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (B)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (C)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
5 (D)At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
6 At si Ibaar, at si (E)Elisama, at si Eliphelet;
7 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
8 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si (F)Thamar ay kanilang kapatid na babae.
Read full chapter
1 Cronica 14:3-7
Ang Biblia (1978)
3 At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.
4 At (A)ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.
5 At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;
6 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;
7 At si Elisama, at si (B)Beeliada, at si Eliphelet.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978