Add parallel Print Page Options

Mga anak ni Juda (karugtong).

Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (A)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;

Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;

Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.

Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (B)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (C)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.

Read full chapter