Add parallel Print Page Options

21 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga (A)inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;

Si Salomon ay ginawang hari.

22 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na (B)ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya (C)sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.

23 Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.

Read full chapter