Add parallel Print Page Options

Nang nagtitipon na sila, tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng templo para paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Dios, upang magkaroon ng tungtungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito. Pero sinabi ng Dios sa akin, ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan dahil isa kang sundalo at marami kang napatay.’ Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel.

Read full chapter