Add parallel Print Page Options

Ang Talumpati ni David

28 Pinulong ni David sa Jerusalem ang lahat ng pinuno sa Israel, ang mga puno ng mga lipi, mga punong-kawal ng mga pulutong na naglilingkod sa hari, mga punong-kawal ng libu-libo, mga punong-kawal ng daan-daan, at ang mga katiwala sa lahat ng ari-arian at kawan ng hari at ng kanyang mga anak, kasama ng mga pinuno sa palasyo, at mga makapangyarihang lalaki, at lahat ng magigiting na mandirigma.

At(A) tumayo si Haring David at nagsabi, “Pakinggan ninyo ako, mga kapatid ko, at bayan ko. Nasa aking puso na ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, upang maging tuntungan ng mga paa ng ating Diyos; at ako'y naghanda para sa pagtatayo.

Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, ‘Hindi ka magtatayo ng bahay para sa aking pangalan, sapagkat ikaw ay isang mandirigma at nagpadanak ng dugo.’

Read full chapter