1 Cronica 23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Gawain ng mga Levita
23 Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon. 2 Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita. 3 Binilang ang mga Levita na nasa edad 30 pataas, at ang bilang nilaʼy 38,000. 4 Sinabi ni David, “Ang 24,000 sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa templo ng Panginoon, ang 6,000 ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom, 5 ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.” 6 Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.
Ang mga Angkan ni Gershon
7 Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan[a] at Shimei. 8 Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya,[b] si Zetam at si Joel. 9 Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan.
Si Shimei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Shelomot, Haziel at Haran. 10-11 Nagkaroon pa ng apat na anak na lalaki si Shimei: ang pinakapinuno ng kanilang pamilya ay si Jahat, ang pangalawa ay si Zina,[c] at sumunod sina Jeush at Beria. Kakaunti lang ang mga anak ni Jeush at Beria, kaya binilang sila na isang pamilya lang.
Ang mga Angkan ni Kohat
12 Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 13 Ang mga anak na lalaki ni Amram ay sina Aaron at Moises. Ibinukod si Aaron at ang kanyang mga angkan para sa pagtatalaga ng mga pinakabanal na bagay, sa pag-aalay ng mga handog sa Panginoon, sa paglilingkod sa kanya at sa pagbabasbas sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon. Ito ang magiging tungkulin nila magpakailanman. 14 Ang mga anak na lalaki ni Moises na lingkod ng Dios ay kabilang sa mga Levita. 15 Ang mga anak niyang lalaki ay sina Gershom at Eliezer. 16 Ang isa sa mga anak na lalaki ni Gershom ay si Shebuel na pinakapinuno ng kanilang pamilya. 17 Si Eliezer ay may kaisa-isang anak na lalaki, si Rehabia na pinakapinuno rin ng kanilang pamilya. Marami ang mga angkan ni Rehabia.
18 Ang isa sa mga anak na lalaki ni Izar ay si Shelomit na pinakapinuno ng kanilang pamilya.
19 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Jeria na pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jekameam ang ikaapat.
20 Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Micas na pinakapinuno ng kanilang pamilya, at Ishia ang pangalawa.
Ang mga Angkan ni Merari
21 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi. Ang mga anak na lalaki ni Mahli ay sina Eleazar at Kish. 22 Namatay si Eleazar na walang anak na lalaki kundi puro babae. Silaʼy napangasawa ng kanilang mga pinsan na mga anak ni Kish.
23 Si Mushi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.
24 Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad na 20 pataas para makapaglingkod sa templo ng Panginoon. 25-26 Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman. Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”
27 Ayon sa huling utos ni David, ang lahat ng Levita na nasa edad 20 pataas ay itinala para maglingkod. 28 Ang tungkulin ng mga Levita ay ang pagtulong sa mga pari, na mga angkan ni Aaron sa paglilingkod sa templo ng Panginoon. Sila ang mangangalaga ng bakuran ng templo at ng mga kwarto sa gilid nito. Sila rin ang tutulong sa mga seremonya ng paglilinis at ng iba pang gawain sa templo ng Dios. 29 Sila rin ang pinagkatiwalaan sa banal na tinapay na inilalagay sa mesa, sa harina para sa mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, sa tinapay na walang pampaalsa, at sa iba pang niluluto at minamasa. Sila rin ang pinagkatiwalaan sa pagtitimbang at sa pagtatakal ng lahat ng handog. 30 Tungkulin din nila ang tumayo tuwing umaga at gabi sa templo para magpasalamat at magpuri sa Panginoon. 31 Tutulong din sila sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga, tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan,[d] at sa iba pang mga pista. May mga sinusunod silang tuntunin kung ilang mga Levita ang gagawa ng gawaing ito at kung paano nila ito gagawin.
32 Kaya ginawa ng mga Levita ang tungkulin nilang alagaan ang Toldang Tipanan at ang Banal na Lugar, at sa pagtulong sa mga kamag-anak nilang pari na mula sa angkan ni Aaron sa paglilingkod sa templo ng Panginoon.
1 Chroniques 23
Segond 21
Recensement et fonctions des Lévites
23 Agé et rassasié de jours, David désigna son fils Salomon roi sur Israël. 2 Il rassembla tous les chefs d'Israël, les prêtres et les Lévites. 3 On fit le dénombrement des Lévites âgés de 30 ans et plus; on compta 38'000 individus de sexe masculin. 4 David dit: «Qu'il y en ait 24'000 pour diriger les travaux de la maison de l'Eternel, 6000 pour officier comme magistrats et juges, 5 4000 comme portiers et 4000 pour louer l'Eternel avec les instruments que j'ai faits pour le célébrer.» 6 David les répartit en classes d'après les fils de Lévi: Guershon, Kehath et Merari.
7 Pour les Guershonites, il y avait Laedan et Shimeï. 8 Fils de Laedan: le chef Jehiel, Zétham et Joël, 3 en tout. 9 Fils de Shimeï: Shelomith, Haziel et Haran, ce qui fait 3. Ce sont là les chefs de famille de Laedan. 10 Autres fils de Shimeï: Jachath, Ziza, Jeush et Beria. Ce sont là les 4 fils de Shimeï. 11 Jachath était le chef, et Ziza le deuxième; Jeush et Beria n'eurent pas beaucoup de fils et ils formèrent une seule famille dans le dénombrement.
12 Voici les fils de Kehath: Amram, Jitsehar, Hébron et Uziel, 4 en tout. 13 Fils d'Amram: Aaron et Moïse. Aaron fut mis à part pour être consacré au lieu très saint, avec ses descendants, pour toujours. Ils devaient offrir les parfums devant l'Eternel, le servir et bénir pour toujours en son nom. 14 Quant aux fils de Moïse, homme de Dieu, ils furent comptés dans la tribu de Lévi. 15 Fils de Moïse: Guershom et Eliézer. 16 Fils de Guershom: Shebuel, le chef. 17 Les descendants d'Eliézer furent: Rechabia, le chef, et ses très nombreux fils; Eliézer lui-même n'eut pas d'autre fils. 18 Fils de Jitsehar: Shelomith, le chef. 19 Fils d'Hébron: Jerija, le chef, Amaria, le deuxième, Jachaziel, le troisième, et Jekameam, le quatrième. 20 Fils d'Uziel: Michée, le chef, et Jishija, le deuxième.
21 Voici les fils de Merari: Machli et Mushi. Fils de Machli: Eléazar et Kis. 22 Eléazar mourut sans avoir de fils, mais il eut des filles qui épousèrent les fils de Kis, leurs cousins. 23 Fils de Mushi: Machli, Eder et Jerémoth, ce qui fait 3.
24 Ce sont là les Lévites en fonction de leur famille avec les chefs de famille d'après le dénombrement qu'on en fit en comptant les noms des individus. Dès l’âge de 20 ans, ils furent affectés au service de la maison de l'Eternel, 25 car David avait dit: «L'Eternel, le Dieu d'Israël, a donné du repos à son peuple, et il habitera pour toujours à Jérusalem. 26 Ainsi, les Lévites n'auront plus à porter le tabernacle ni tous les ustensiles destinés à son service.» 27 Ce fut d'après les derniers ordres de David qu'eut lieu le dénombrement des Lévites âgés de 20 ans et plus. 28 Chargés d’assister les descendants d'Aaron pour le service de la maison de l'Eternel, ils étaient responsables des parvis et des chambres, de la purification de toutes les choses saintes, des travaux liés au service de la maison de Dieu, 29 des pains consacrés, de la fleur de farine pour les offrandes, des galettes sans levain, des gâteaux cuits sur la plaque et des gâteaux frits, de toutes les mesures de capacité et de longueur. 30 Ils devaient être présents chaque matin et chaque soir afin de louer et de célébrer l'Eternel, 31 et offrir continuellement devant lui tous les holocaustes qui lui étaient destinés lors des sabbats, des débuts de mois et des fêtes, suivant le nombre fixé par la règle. 32 Ils veillaient sur la tente de la rencontre, sur le sanctuaire et sur les descendants d'Aaron, leurs frères, pour le service de la maison de l'Eternel.
1 Chronicles 23
New International Version
The Levites
23 When David was old and full of years, he made his son Solomon(A) king over Israel.(B)
2 He also gathered together all the leaders of Israel, as well as the priests and Levites. 3 The Levites thirty years old or more(C) were counted,(D) and the total number of men was thirty-eight thousand.(E) 4 David said, “Of these, twenty-four thousand are to be in charge(F) of the work(G) of the temple of the Lord and six thousand are to be officials and judges.(H) 5 Four thousand are to be gatekeepers and four thousand are to praise the Lord with the musical instruments(I) I have provided for that purpose.”(J)
6 David separated(K) the Levites into divisions corresponding to the sons of Levi:(L) Gershon, Kohath and Merari.
Gershonites
7 Belonging to the Gershonites:(M)
Ladan and Shimei.
8 The sons of Ladan:
Jehiel the first, Zetham and Joel—three in all.
9 The sons of Shimei:
Shelomoth, Haziel and Haran—three in all.
These were the heads of the families of Ladan.
10 And the sons of Shimei:
Jahath, Ziza,[a] Jeush and Beriah.
These were the sons of Shimei—four in all.
11 Jahath was the first and Ziza the second, but Jeush and Beriah did not have many sons; so they were counted as one family with one assignment.
Kohathites
12 The sons of Kohath:(N)
Amram, Izhar, Hebron and Uzziel—four in all.
13 The sons of Amram:(O)
Aaron and Moses.
Aaron was set apart,(P) he and his descendants forever, to consecrate the most holy things, to offer sacrifices before the Lord, to minister(Q) before him and to pronounce blessings(R) in his name forever. 14 The sons of Moses the man(S) of God were counted as part of the tribe of Levi.
15 The sons of Moses:
Gershom and Eliezer.(T)
16 The descendants of Gershom:(U)
Shubael was the first.
17 The descendants of Eliezer:
Rehabiah(V) was the first.
Eliezer had no other sons, but the sons of Rehabiah were very numerous.
18 The sons of Izhar:
Shelomith(W) was the first.
19 The sons of Hebron:(X)
Jeriah the first, Amariah the second, Jahaziel the third and Jekameam the fourth.
20 The sons of Uzziel:
Micah the first and Ishiah the second.
Merarites
21 The sons of Merari:(Y)
Mahli and Mushi.(Z)
The sons of Mahli:
Eleazar and Kish.
22 Eleazar died without having sons: he had only daughters. Their cousins, the sons of Kish, married them.(AA)
23 The sons of Mushi:
Mahli, Eder and Jerimoth—three in all.
24 These were the descendants of Levi by their families—the heads of families as they were registered under their names and counted individually, that is, the workers twenty years old or more(AB) who served in the temple of the Lord. 25 For David had said, “Since the Lord, the God of Israel, has granted rest(AC) to his people and has come to dwell in Jerusalem forever, 26 the Levites no longer need to carry the tabernacle or any of the articles used in its service.”(AD) 27 According to the last instructions of David, the Levites were counted from those twenty years old or more.
28 The duty of the Levites was to help Aaron’s descendants in the service of the temple of the Lord: to be in charge of the courtyards, the side rooms, the purification(AE) of all sacred things and the performance of other duties at the house of God. 29 They were in charge of the bread set out on the table,(AF) the special flour for the grain offerings,(AG) the thin loaves made without yeast, the baking and the mixing, and all measurements of quantity and size.(AH) 30 They were also to stand every morning to thank and praise the Lord. They were to do the same in the evening(AI) 31 and whenever burnt offerings were presented to the Lord on the Sabbaths, at the New Moon(AJ) feasts and at the appointed festivals.(AK) They were to serve before the Lord regularly in the proper number and in the way prescribed for them.
32 And so the Levites(AL) carried out their responsibilities for the tent of meeting,(AM) for the Holy Place and, under their relatives the descendants of Aaron, for the service of the temple of the Lord.(AN)
Footnotes
- 1 Chronicles 23:10 One Hebrew manuscript, Septuagint and Vulgate (see also verse 11); most Hebrew manuscripts Zina
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Version Segond 21 Copyright © 2007 Société Biblique de Genève by Société Biblique de Genève
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
