Add parallel Print Page Options

Ang Habilin ni David kay Solomon

22 Pagkatapos ay sinabi ni David, “Dito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos, at dito ang dambana ng handog na sinusunog para sa Israel.”

Iniutos ni David na tipunin ang mga dayuhang nasa lupain ng Israel at siya'y naglagay ng mga kantero upang magtapyas ng bato para sa pagtatayo ng bahay ng Diyos.

Naglaan din si David ng napakaraming bakal bilang pako sa mga pinto ng mga tarangkahan at sa mga dugtungan, at ng tanso na hindi na matimbang sa dami,

at ng mga troso ng sedro na di mabilang, sapagkat ang mga Sidonio at ang mga taga-Tiro ay nagdala kay David ng napakaraming puno ng sedro.

Sapagkat sinabi ni David, “Si Solomon na aking anak ay bata pa at wala pang karanasan, at ang bahay na itatayo para sa Panginoon ay kailangang maging kahanga-hanga, bantog at maluwalhati sa buong lupain. Ako'y maghahanda para doon.” Kaya't naghanda si David ng maraming kagamitan bago sumapit ang kanyang kamatayan.

Pagkatapos ay ipinatawag niya si Solomon na kanyang anak, at inatasan niyang magtayo ng isang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Sinabi(A) ni David kay Solomon na kanyang anak, “Sa ganang akin, nasa aking puso ang magtayo ng isang bahay para sa pangalan ng Panginoon kong Diyos.

Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na sinasabi, ‘Ikaw ay nagpadanak ng maraming dugo at nagsagawa ng malalaking pakikidigma. Hindi ka magtatayo ng bahay para sa aking pangalan sapagkat ikaw ay nagpadanak ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin.

Narito, ipapanganak para sa iyo ang isang lalaki; siya ay magiging isang mapayapang tao. Bibigyan ko siya ng kapayapaan sa lahat ng kanyang mga kaaway sa palibot, sapagkat ang kanyang magiging pangalan ay Solomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan[b] at katahimikan ang Israel sa kanyang mga araw.

10 Siya ay magtatayo ng bahay para sa aking pangalan. Siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kanyang ama; at itatatag ko ang trono ng kanyang kaharian sa Israel magpakailanman.’

11 Ngayon, anak ko, sumaiyo ang Panginoon, upang magtagumpay ka sa iyong pagtatayo ng bahay ng Panginoon mong Diyos, gaya ng kanyang sinabi tungkol sa iyo.

12 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng dunong at pang-unawa, upang kapag ipinagkatiwala na niya sa iyo ang Israel ay matupad mo ang kautusan ng Panginoon mong Diyos.

13 Kung(B) magkagayo'y magtatagumpay ka kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at ang mga batas na ipinag-utos ng Panginoon kay Moises para sa Israel. Magpakalakas ka at magpakatapang; huwag kang matakot o manlupaypay man.

14 Pinagsikapan kong lubos na ipaghanda ang bahay ng Panginoon ng isandaang libong talentong ginto, isang milyong talentong pilak at ng tanso at bakal na hindi na matimbang sa dami. Naghanda rin ako ng kahoy at bato. Dagdagan mo pa ang mga ito.

15 Bukod dito'y may kasama kang maraming manggagawa: mga tagatapyas ng bato, mga kantero, mga karpintero, at napakaraming uri ng mga manggagawa na bihasa sa iba't ibang uri ng trabaho

16 sa ginto, sa pilak, sa tanso, at sa bakal, na hindi mabilang. Bumangon ka at gawin mo na. Sumaiyo nawa ang Panginoon.”

17 Iniutos din ni David sa lahat ng pinuno ng Israel na tulungan si Solomon na kanyang anak, na sinasabi,

18 “Hindi ba't ang Panginoon ninyong Diyos ay sumasainyo? Hindi ba't binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat ng dako? Sapagkat kanyang ibinigay sa aking kamay ang mga naninirahan sa lupain; at ang lupain ay napasuko sa harap ng Panginoon at sa harap ng kanyang bayan.

19 Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at pag-iisip upang hanapin ang Panginoon ninyong Diyos. Humayo kayo at itayo ninyo ang santuwaryo ng Panginoong Diyos, upang ang kaban ng tipan ng Panginoon at ang mga banal na kagamitan ng Diyos ay madala sa loob ng bahay na itatayo para sa pangalan ng Panginoon.”

Footnotes

  1. 1 Cronica 22:9 Sa Hebreo ay Shelomoh .
  2. 1 Cronica 22:9 Sa Hebreo ay shalom .

22 Then David said, “This is the house of the Lord God, and this is the altar of burnt offering for Israel.”(A)

David’s Preparations for the Temple

So David gave orders to gather the foreigners that were in the land of Israel,(B) and he appointed stonecutters to cut finished stones for building God’s house.(C) David supplied a great deal of iron to make the nails for the doors of the gateways and for the fittings, together with an immeasurable quantity of bronze,(D) and innumerable cedar logs because the Sidonians and Tyrians had brought a large quantity of cedar logs to David.(E) David said, “My son Solomon is young and inexperienced, and the house that is to be built for the Lord must be exceedingly great and famous and glorious in all the lands.(F) Therefore, I must make provision for it.” So David made lavish preparations for it before his death.

Then he summoned his son Solomon and instructed him to build a house for the Lord God of Israel. “My son,” David said to Solomon, “It was in my heart to build a house for the name of Yahweh my God,(G) but the word of the Lord came to me: ‘You have shed much blood and waged great wars. You are not to build a house for My name because you have shed so much blood on the ground before Me.(H) But a son will be born to you; he will be a man of rest. I will give him rest from all his surrounding enemies,(I) for his name will be Solomon,[a](J) and I will give peace and quiet to Israel during his reign.(K) 10 He is the one who will build a house for My name. He will be My son, and I will be his father. I will establish the throne of his kingdom over Israel forever.’(L)

11 “Now, my son, may the Lord be with you,(M) and may you succeed in building the house of the Lord your God, as He said about you. 12 Above all, may the Lord give you insight and understanding when He puts you in charge of Israel so that you may keep the law of the Lord your God.(N) 13 Then you will succeed if you carefully follow the statutes and ordinances the Lord commanded Moses for Israel.(O) Be strong and courageous. Don’t be afraid or discouraged.(P)

14 “Notice I have taken great pains to provide for the house of the Lord—3,775 tons of gold, 37,750 tons of silver,[b](Q) and bronze and iron that can’t be weighed because there is so much of it. I have also provided timber and stone, but you will need to add more to them. 15 You also have many workers: stonecutters, masons, carpenters, and people skilled in every kind of work 16 in gold, silver, bronze, and iron—beyond number. Now begin the work, and may the Lord be with you.”(R)

17 Then David ordered all the leaders of Israel to help his son Solomon: 18 “The Lord your God is with you, isn’t He? And hasn’t He given you rest on every side?(S) For He has handed the land’s inhabitants over to me, and the land has been subdued before the Lord and His people. 19 Now determine in your mind and heart to seek the Lord your God.(T) Get started building the Lord God’s sanctuary so that you may bring the ark of the Lord’s covenant and the holy articles of God to the temple that is to be built(U) for the name of Yahweh.”(V)

Footnotes

  1. 1 Chronicles 22:9 In Hb, the name Solomon sounds like “peace.”
  2. 1 Chronicles 22:14 Lit 100,000 talents of gold and 1,000,000 talents of silver

22 Then David said, This is the house of the Lord God, and this is the altar of the burnt offering for Israel.

And David commanded to gather together the strangers that were in the land of Israel; and he set masons to hew wrought stones to build the house of God.

And David prepared iron in abundance for the nails for the doors of the gates, and for the joinings; and brass in abundance without weight;

Also cedar trees in abundance: for the Zidonians and they of Tyre brought much cedar wood to David.

And David said, Solomon my son is young and tender, and the house that is to be builded for the Lord must be exceeding magnifical, of fame and of glory throughout all countries: I will therefore now make preparation for it. So David prepared abundantly before his death.

Then he called for Solomon his son, and charged him to build an house for the Lord God of Israel.

And David said to Solomon, My son, as for me, it was in my mind to build an house unto the name of the Lord my God:

But the word of the Lord came to me, saying, Thou hast shed blood abundantly, and hast made great wars: thou shalt not build an house unto my name, because thou hast shed much blood upon the earth in my sight.

Behold, a son shall be born to thee, who shall be a man of rest; and I will give him rest from all his enemies round about: for his name shall be Solomon, and I will give peace and quietness unto Israel in his days.

10 He shall build an house for my name; and he shall be my son, and I will be his father; and I will establish the throne of his kingdom over Israel for ever.

11 Now, my son, the Lord be with thee; and prosper thou, and build the house of the Lord thy God, as he hath said of thee.

12 Only the Lord give thee wisdom and understanding, and give thee charge concerning Israel, that thou mayest keep the law of the Lord thy God.

13 Then shalt thou prosper, if thou takest heed to fulfil the statutes and judgments which the Lord charged Moses with concerning Israel: be strong, and of good courage; dread not, nor be dismayed.

14 Now, behold, in my trouble I have prepared for the house of the Lord an hundred thousand talents of gold, and a thousand thousand talents of silver; and of brass and iron without weight; for it is in abundance: timber also and stone have I prepared; and thou mayest add thereto.

15 Moreover there are workmen with thee in abundance, hewers and workers of stone and timber, and all manner of cunning men for every manner of work.

16 Of the gold, the silver, and the brass, and the iron, there is no number. Arise therefore, and be doing, and the Lord be with thee.

17 David also commanded all the princes of Israel to help Solomon his son, saying,

18 Is not the Lord your God with you? and hath he not given you rest on every side? for he hath given the inhabitants of the land into mine hand; and the land is subdued before the Lord, and before his people.

19 Now set your heart and your soul to seek the Lord your God; arise therefore, and build ye the sanctuary of the Lord God, to bring the ark of the covenant of the Lord, and the holy vessels of God, into the house that is to be built to the name of the Lord.