Add parallel Print Page Options

Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking (A)mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:

10 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at (B)siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 22:9 Sa makatuwid baga'y Payapa. 2 Sam. 12:24.

(A)At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.

At kaniyang sinabi sa akin, (B)Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Read full chapter