1 Cronica 20
Ang Biblia, 2001
Kinubkob ang Rabba(A)
20 Sa(B) tagsibol ng taon, sa panahong ang mga hari ay humahayo upang makipaglaban, pinamunuan ni Joab ang hukbo, sinira niya ang lupain ng mga anak ni Ammon, at dumating at kinubkob ang Rabba. Ngunit si David ay nanatili sa Jerusalem. At sinalakay ni Joab ang Rabba, at ibinagsak ito.
2 At kinuha ni David ang korona sa ulo ng kanilang hari, at kanyang napag-alamang may timbang na isang talentong ginto, at ito ay may mahalagang bato. Ito'y inilagay sa ulo ni David. At kanyang inilabas ang samsam ng lunsod na totoong napakarami.
3 At kanyang inilabas ang mga taong naroon, at pinagtrabaho sila na ang gamit ay mga lagari, mga suyod na bakal, at mga palakol. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng mga lunsod ng mga anak ni Ammon. Pagkatapos, si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem.
Sinalakay ang Filisteo(C)
4 Pagkatapos nito ay sumiklab ang digmaan sa Gezer laban sa mga Filisteo. Pinatay ni Shibecai na Husatita si Sipai, na isa sa mga anak ng mga higante, at ang mga Filisteo ay nagapi.
5 Nagkaroon(D) uli ng pakikipagdigma laban sa mga Filisteo; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na Geteo, na ang puluhan ng sibat niya ay gaya ng panghabi ng manghahabi.
6 Nagkaroon uli ng labanan sa Gat, na doo'y may isang napakalaking lalaki na ang mga daliri ng kamay at paa ay dalawampu't apat, anim sa bawat kamay at anim sa bawat paa; at siya rin nama'y ipinanganak mula sa mga higante.
7 Nang kanyang libakin ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Shimea na kapatid ni David.
8 Ang mga ito ay ipinanganak mula sa mga higante sa Gat, at sila'y bumagsak sa kamay ni David at ng mga lingkod niya.
1 Chronicles 20
Holman Christian Standard Bible
Capture of the City of Rabbah
20 In the spring[a] when kings march out to war,(A) Joab led the army and destroyed the Ammonites’ land. He came to Rabbah and besieged it, but David remained in Jerusalem.(B) Joab attacked Rabbah and demolished it. 2 Then David took the crown from the head of their king,[b][c](C) and it was placed on David’s head. He found that the crown weighed 75 pounds[d] of gold, and there was a precious stone in it. In addition, David took away a large quantity of plunder from the city. 3 He brought out the people who were in it and put them to work with saws,[e] iron picks, and axes.[f](D) David did the same to all the Ammonite cities. Then he and all his troops returned to Jerusalem.
The Philistine Giants
4 After this,(E) a war broke out with the Philistines at Gezer. At that time Sibbecai the Hushathite killed Sippai, a descendant of the giants,[g] and the Philistines were subdued.
5 Once again there was a battle with the Philistines, and Elhanan son of Jair killed Lahmi the brother of Goliath the Gittite. The shaft of his spear was like a weaver’s beam.(F)
6 There was still another battle at Gath where there was a man of extraordinary stature with six fingers on each hand and six toes on each foot—24 in all. He, too, was descended from the giant.[h] 7 When he taunted Israel, Jonathan son of David’s brother Shimei killed him.
8 These were the descendants of the giant[i] in Gath killed by David and his soldiers.
Footnotes
- 1 Chronicles 20:1 Lit At the time of the return of the year
- 1 Chronicles 20:2 LXX, Vg read of Milcom
- 1 Chronicles 20:2 = Molech; 1Kg 11:5,7
- 1 Chronicles 20:2 Lit a talent
- 1 Chronicles 20:3 Text emended; MT reads and sawed them with the saw; 2Sm 12:31
- 1 Chronicles 20:3 Text emended; MT reads saws; 2Sm 12:31
- 1 Chronicles 20:4 Or the Rephaites
- 1 Chronicles 20:6 Or Raphah
- 1 Chronicles 20:8 Or Raphah
Copyright © 1999, 2000, 2002, 2003, 2009 by Holman Bible Publishers, Nashville Tennessee. All rights reserved.