1 Cronica 2:1-4:23
Magandang Balita Biblia
Ang Lahi ni Juda
2 Ito ang mga anak ni Jacob: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. 3 Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay. 4 Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.
5 Ang mga anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul. 6 Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera. 7 Anak(A) ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan,[a] ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin. 8 Si Azarias naman ay anak ni Etan.
Ang Angkan na Pinagmulan ni David
9 Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb. 10 Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda. 11 Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, pangalawa si Abinadab at si Simea ang pangatlo. 14 Ang pang-apat ay si Netanel, panglima si Radai, 15 pang-anim si Ozem at pampito si David. 16 Dalawa ang kapatid nilang babae: sina Zervias at Abigail. Tatlo ang anak ni Zervias: sina Abisai, Joab at Asahel. 17 Ang anak naman ni Abigail ay si Amasa na ang ama ay si Jeter na isang Ismaelita.
Ang Lahi ni Hezron
18 Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba na ang pangalan ay Jeriot. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. 19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.
21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub 22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead. 23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead. 24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.
Ang Lahi ni Jerameel
25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam. 27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito. 28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid. 30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31 Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai. 32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter. 33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel. 34 Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan. 35 Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan na ama naman ni Zabad. 37 Si Zabad ang ama ni Eflal na ama ni Obed. 38 Si Obed ang ama ni Jehu na ama naman ni Azarias. 39 Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Eleasa. 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum. 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama.
Ang Lahi ni Caleb
42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron. 43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema. 44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai. 45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur. 46 Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran. 47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf. 48 Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana. 49 Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.
50 Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim, 51 si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader. 52 Si Sobal ang ama ni Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Menuho. 53 Kay Sobal din nagmula ang ilang angkang nanirahan sa Lunsod ng Jearim tulad ng mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, mga Misraita, mga Zorita at mga Estaolita. 54 Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Bethlehem ay ang Netofatita, Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita at Zorita. 55 Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Jabes ay ang mga Tiratita, Simatita at Sucatita. Ito ang mga Kenita buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng angkan ni Recab.
Ang Angkan ni David
3 Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. 2 Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. 3 Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. 4 Anim(B) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. 5 Doo'y(C) apat ang naging anak niya kay Batsheba[b] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. 6 Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, 7 Noga, Nefeg, Jafia, 8 Elisama, Eliada at Elifelet. 9 Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.
Ang Angkan ni Haring Solomon
10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.
Ang Angkan ni Haring Jeconias
17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.
Ang Lipi ni Juda
4 Kabilang ang mga ito sa mga anak ni Juda: sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal. 2 Anak ni Sobal si Reaias na ama ni Jahat. Anak naman ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zorita.
3-4 Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki[c] naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.
5 Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6 Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari. 7 Naging anak naman niya kay Hela sina Zeret, Izar at Etnan. 8 Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, at ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.
9 Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[d] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
Iba pang Listahan ng mga Angkan
11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston. 12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.
13 Mga anak ni Kenaz sina Otniel at Seraias, at mga anak naman ni Otniel sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraias naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Libis ng mga Panday, sapagkat ang mga nakatira roon ay mga panday. 15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz. 16 Mga anak naman ni Jehalelel sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraon ay sina Miriam, Samai at Isba na siyang nagtatag ng Estemoa. 18 Sa asawa naman niyang taga-Juda, naging anak ni Mered si Jered na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Jecutiel na nagtatag ng Zanoa. 19 Ang pinagmulan ng mga Garmita na nanirahan sa Keila at ng mga Maacateo na nanirahan sa Estemoa ay ang mga anak ni Hodias sa asawa na kapatid na babae ni Naham. 20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet.
Ang Angkan ni Sela
21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, si Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang humahabi ng telang lino sa Beth-asbea. 22 Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.) 23 Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.
Footnotes
- 1 Cronica 2:7 ACAN: Sa tekstong Hebreo ay “Acar” ang nakasulat, na ang ibig sabihin ay “kapahamakan”.
- 1 Cronica 3:5 Batsheba: o kaya'y Batshua .
- 1 Cronica 4:3 mga anak na lalaki: Sa ibang manuskrito'y mga ninuno .
- 1 Cronica 4:9 JABES: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “hirap” o kaya'y “sakit” .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
