1 Cronica 18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Mga Pagtatagumpay ni David(A)
18 Kinalaunan, natalo at sinakop ni David ang mga Filisteo. Inagaw niya sa kanila ang Gat at ang mga baryo sa paligid nito. 2 Natalo rin ni David ang mga Moabita, at sinakop niya sila at nagbayad sila ng buwis sa kanya. 3 Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, hanggang doon sa Hamat, noong naglakbay si Hadadezer sa pagsakop sa mga lupaing malapit sa Ilog ng Eufrates. 4 Naagaw nina David ang 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe, at 20,000 sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe maliban lang sa 100 na itinira nila para gamitin. 5 Nang dumating ang mga Arameo[a] mula sa Damascus para tulungan si Hadadezer, pinatay nila David ang 22,000 sa mga ito. 6 Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damascus, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David kahit saang labanan siya magpunta. 7 Kinuha ni David ang mga gintong kalasag ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8 Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Teba[b] at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na parang kawa na tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso para gamitin sa templo.
9 Nang mabalitaan ni Haring Tou,[c] ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Haring Hadadezer ng Zoba, 10 pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram[d] kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso. 11 Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na naagaw niya mula sa mga sumusunod na bansa – ang Edom, Moab, Ammon, Filistia at Amalek.
12 Si Abishai na anak ni Zeruya ay nakapatay ng 18,000 Edomita sa Lambak ng Asin. 13 Naglagay si David ng mga kampo sa Edom at naging sakop niya ang lahat ng Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumunta para makipaglaban.
Ang mga Opisyal ni David
14 Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa ng matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya. 15 Si Joab na anak ni Zeruya ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehoshafat na anak ni Ahilud ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian. 16 Sina Zadok na anak ni Ahitub at si Ahimelec[e] na anak ni Abiatar ang mga pari. Ang kalihim ay si Shavsa.[f] 17 Si Benaya na anak ni Jehoyada ang pinuno ng mga Kereteo at Peleteo. At ang mga punong opisyal ni David ay ang kanyang mga anak na lalaki.
历代志上 18
Chinese New Version (Simplified)
大卫击败非利士人与摩押人(A)
18 这事以后,大卫攻打非利士人,征服了他们,从非利士人手中夺了迦特和属于迦特的村庄。 2 又攻打摩押,摩押人就归服大卫,给他进贡。
击败琐巴人(B)
3 琐巴王哈大底谢到幼发拉底河去,要建立自己的势力的时候,大卫就攻打他,直到哈马。 4 大卫掳获了他的战车一千辆,马兵七千人,步兵二万名。大卫把所有战车的马的蹄筋都砍断,只留下一百辆车的马。
击败亚兰人(C)
5 大马士革的亚兰人来帮助琐巴王哈大底谢的时候,大卫就杀了二万二千名亚兰人。 6 于是大卫在大马士革的亚兰地驻军,亚兰人就臣服大卫,给他进贡。大卫无论到甚么地方去,耶和华都使他得胜。 7 大卫夺取了哈大底谢臣仆所拿的金盾牌,带回耶路撒冷。 8 大卫又从属于哈大底谢的提巴和均二城中,夺取了大量的铜;后来所罗门用这些铜来制造铜海、铜柱和一切铜器。
9 哈马王陀乌听见大卫击败了琐巴王哈大底谢的全军, 10 就差派自己的儿子哈多兰去见大卫王,给他问安,祝贺他,因为他与哈大底谢交战,击败了哈大底谢。原来陀乌与哈大底谢常有争战。哈多兰送来了各样金、银、铜制的器皿。 11 大卫王把这些器皿,连同从各国夺取的金银,就是从以东、摩押、亚扪人、非利士人和亚玛力人夺取的,都分别为圣献给耶和华。
击败以东人(D)
12 洗鲁雅的儿子亚比筛在盐谷击杀了以东人一万八千名。 13 大卫在以东设立驻防营,所有以东人就都臣服大卫。大卫无论到甚么地方去,耶和华都使他得胜。
大卫的重要臣仆(E)
14 大卫作王统治全以色列,以公平和正义对待所有的人。 15 洗鲁雅的儿子约押作军队的元帅,亚希律的儿子约沙法作史官, 16 亚希突的儿子撒督和亚比亚他的儿子亚希米勒作祭司长,沙威沙作书记; 17 耶何耶大的儿子比拿雅统管基利提人和比利提人;大卫的众子都在王的左右作领袖。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.