Font Size
1 Cronica 16:36-38
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 16:36-38
Magandang Balita Biblia
36 Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,
purihin siya ngayon at magpakailanman!
Pagkatapos, ang buong bayan ay sumagot ng “Amen,” at nagpuri kay Yahweh.
Ang Pananambahan sa Jerusalem at Gibeon
37 Si Asaf at ang kanyang mga kamag-anak ay inatasan ni David na mangasiwa sa pagsambang idinaraos araw-araw sa lugar na kinalalagyan ng Kaban ng Tipan. 38 Si Obed-edom kasama ang animnapu't walong kamag-anak niya ang tutulong sa kanila. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun at si Hosa naman ang magbabantay sa pinto.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.