Add parallel Print Page Options

28 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.
29 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (A)ganda ng kabanalan.
30 Manginig sa harap niya ang buong lupa:
Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos.

Read full chapter