Add parallel Print Page Options

16 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo (A)mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.

Read full chapter

11 (A)At si (B)Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo, at ng mga puno ng sedro, at mga anluwagi, at mangdadaras sa bato; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay.

12 At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel.

13 At (C)kumuha (D)pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem, panggagaling niya sa Hebron: at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David.

14 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem; si Sammua, at si Sobab, at si Nathan, at si Salomon,

15 At si Ibhar, at si Elisua; at si Nephegh at si Japhia;

16 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet.

Nanagumpay laban sa Filisteo.

17 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at (E)lumusong sa katibayan.

18 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa (F)libis ng Rephaim.

19 (G)At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay.

20 At naparoon si David sa Baal-perasim at sila'y sinaktan doon ni David; at kaniyang sinabi, Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko, na gaya ng pilansik ng tubig. Kaya't kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na (H)Baal-perasim.

21 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan, at mga (I)inalis ni David at ng kaniyang mga lalake.

22 At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo, at nagsikalat sa libis ng Rephaim.

23 At nang isangguni ni David sa Panginoon, kaniyang sinabi, Huwag kang aahon: liligid ka sa likuran nila, at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales.

24 At mangyayari, pagka iyong (J)narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't (K)lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

25 At ginawang gayon ni David; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa (L)Geba hanggang sa dumating sa (M)Gezer.

Read full chapter