Add parallel Print Page Options

Pumayag ang buong kapulungan dahil nakita nilang iyon ang tamang gawin.

Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog ng Shihor sa Egipto hanggang sa Lebo Hamat,[a] para kunin ang Kahon ng Dios[b] sa Kiriat Jearim. Pumunta si David at lahat ng kasama niyang mga Israelita sa Baala na nasa Juda (na siya ring Kiriat Jearim) para kunin ang Kahon ng Panginoong Dios, kung saan siya nananahan.[c] Nananahan ang Panginoon sa gitna ng mga kerubin na nasa ibabaw ng Kahon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:5 Lebo Hamat: o, Paakyat ng Hamat.
  2. 13:5 Kahon ng Dios: Ito ang Kahon ng Kasunduan.
  3. 13:6 saan siya nananahan: sa literal, saan tinatawag ang kanyang pangalan.