Add parallel Print Page Options

(A)Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras.

Read full chapter

Ang hula tungkol sa Gog. Sasalakay sa Israel.

38 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

(A)Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha (B)sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa (C)Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,

At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:

At aking ipipihit ka sa palibot, (D)at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:

(E)Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante;

(F)Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni (G)Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.

Read full chapter