Add parallel Print Page Options

18 Ano ngayon ang gantimpala ko? Ang gantimpala ko ay kung ipangaral ko ang ebanghelyo ni Cristo, ipinangangaral ko ang ebanghelyo ng walang bayad. Upang sa gayon ay hindi ko gagamitin ang sarili kong kapamahalaan sa ebanghelyo.

19 Ito ay sapagkat kahit na ako ay malaya mula sa kani­numan, gayunman, ginawa ko ang aking sarili na alipin ng lahat upang lalo pang marami ang madala ko. 20 Sa mga Judio ako ay naging Judio upang mahikayat ko ang mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautusan ako ay naging tulad ng mga nasa ilalim upang madala ko sila na nasa ilalim ng kautusan.

Read full chapter