Add parallel Print Page Options

18 Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na (A)pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio.

19 Sapagka't (B)bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, (C)ay napaalipin ako sa lahat, upang ako'y makahikayat ng lalong marami.

20 At (D)sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan;

Read full chapter