1 Corinto 8:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't bagama't mayroong mga (A)tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;
6 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, (B)ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y (C)sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, (D)na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.
7 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay (E)nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay (F)nangahahawa.
Read full chapter
1 Corinto 8:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Sapagkat bagaman mayroong mga tinatawag na mga diyos, maging sa langit o sa lupa, gaya nang pagkakaroon ng maraming mga “diyos” at maraming mga “panginoon,”
6 ngunit sa ganang atin ay may isang Diyos, ang Ama, na sa kanya nagmula ang lahat ng mga bagay, at tayo'y para sa kanya, at may isang Panginoon, si Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo ay sa pamamagitan niya.
7 Gayunman, hindi lahat ng mga tao ay nagtataglay ng kaalamang ito. Subalit ang ilan na hanggang ngayon ay namihasa sa diyus-diyosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diyus-diyosan, at ang kanilang budhi, palibhasa'y mahina, ay nadudungisan.
Read full chapter
1 Corinthians 8:5-7
New International Version
5 For even if there are so-called gods,(A) whether in heaven or on earth (as indeed there are many “gods” and many “lords”), 6 yet for us there is but one God,(B) the Father,(C) from whom all things came(D) and for whom we live; and there is but one Lord,(E) Jesus Christ, through whom all things came(F) and through whom we live.
7 But not everyone possesses this knowledge.(G) Some people are still so accustomed to idols that when they eat sacrificial food they think of it as having been sacrificed to a god, and since their conscience is weak,(H) it is defiled.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

