Add parallel Print Page Options

37 Ngunit kung ipinasya niyang huwag pakasalan ang kanyang kasintahan at hindi naman siya napipilitan lamang at siya'y may lubusang pagpipigil sa sarili, mabuti ang ganitong kapasyahan. 38 Kaya nga, mabuti ang magpasyang pakasalan ang kanyang kasintahan, ngunit mas mabuti ang hindi mag-asawa.[a]

39 Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya, ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 36-38 Kung inaakala...hindi mag-asawa: o kaya’y 36 Kung inaakala ng isang ama na di marapat ang pagpigil niya sa kanyang anak na dalaga, at ito’y nasa hustong gulang na para mag-asawa, at dapat na niyang ipakasal ito, payagan na niyang mag-asawa ang anak. Hindi ito kasalanan. 37 Mas mabuti pang magpigil sa sarili at magpasya na huwag pag-asawahin ng ama ang kanyang anak na dalaga. 38 Kaya nga, mabuti na ipakasal ng ama ang anak na dalaga, ngunit lalong mabuti ang ito’y hindi pag-asawahin .