Add parallel Print Page Options

Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?

Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?

Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,

Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?

Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? bakit hindi bagkus kayo'y padaya?

Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

11 At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.

12 Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.

13 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan:

14 At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

15 Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari.

16 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman.

17 Nguni't ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.

18 Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.

19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

20 Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.

Paghahabla ng Mananampalataya Laban sa Kapwa Mananampalataya

Ang isa sa inyo ay may isang bagay laban sa isa. Maglalakas loob ba siyang magsakdal sa harap ng isang hindi matuwid at hindi sa harap ng mga banal?

Ang mga banal ay hahatol sa sangkatauhan, hindi ba ninyo alam iyan? Yamang kayo ang hahatol sa sangkatauhan, hindi ba kayo karapat-dapat humatol sa maliliit na bagay? Hindi ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa kaya na ating hahatulan ang mga bagay sa buhayna ito? Kapag may hahatulan kayo sa mga bagay sa buhay na ito, bakit ninyo pinahahatol sila na itinuturing na pinakamababa sa iglesiya?

Nagsasalita ako para mahiya kayo. Wala bang isa mang marunong sa inyo na makakapagpasiya sa pagitan ng kaniyang mga kapatid? Ang nangyayari ay nagsasakdal ang isang kapatid laban sa kapatid, at ito ay sa harap ng hindi mananam­palataya.

Tunay ngang may pagkakamali sa inyo dahil nagha­hablahan kayo sa isa’t isa. Bakit hindi na lang ninyo tanggaping ginawan kayo ng mali? Bakit hindi na lang ninyo tanggaping dinadaya kayo? Hindi ninyo ito tinatanggap, sa halip, kayo ang gumagawa ng mali at nandaraya at ginagawa ninyo ito sa inyong kapatid.

Ang mga hindi matuwid ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. Hindi ba ninyo alam iyan? Huwag kayong magpadaya. Ang mga nakikiapid, ang mga sumasamba sa diyos-diyosan, ang mga mangangalunya, ang mga bakla, ang mga gumagamit sa kapwa lalaki ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. 10 Maging ang mga magnanakaw, ang mga mapag-imbot, ang mga manginginom ng alak, ang mga mapanirang puri, ang mga sakim ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. 11 Ganito ang ilan sa inyo, ngunit kayo ay nahugasan na, kayo ay pinabanal na. Kayo ay pinaging- matuwid sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.

Ang Pakikiapid

12 Para sa akin, ang lahat ng bagay ay ayon sa kautusan, ngunit hindi lahat ay kapakipakinabang. Ang lahat ng bagay ay maaari kong gawin ngunit hindi ako magpapasakop sa kapamahalaan sa mga bagay na ito.

13 Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain. Ang mga ito ay wawasakin ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid kundi para sa Diyos at ang Diyos ay para sa katawan. 14 Ang Diyos, na nagbangon sa Panginoon, ay siya ring magbabangon sa atin sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan. 15 Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ni Cristo? Kukunin ko ba ang mga bahagi ni Cristo at gagawingbahagi ng isang patutot? Huwag nawang mangyari. 16 Hindi ba ninyo alam na angisang nakikipag-isa sa patutot ay kaisang laman niya? Ito ay sapagkat sinabi nga niya: Ang dalawa ay magiging isang katawan. 17 Ngunit siya na nakikipag-isa sa Diyos ay isang espiritu.

18 Layuan ninyo ang pakikiapid. Ang bawat kasalanang ginagawa ng tao ay sa labas ng katawan. Ngunit ang nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. 19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay banal na dako ng Banal na Espiritu na nasa inyo? Ang inyong katawan ay mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili. 20 Ito ay sapagkat binili kayo sa halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan at espiritu. Ang inyong katawan at espiritu ay sa Diyos.

Lawsuits Among Believers

If any of you has a dispute with another, do you dare to take it before the ungodly for judgment instead of before the Lord’s people?(A) Or do you not know that the Lord’s people will judge the world?(B) And if you are to judge the world, are you not competent to judge trivial cases? Do you not know that we will judge angels? How much more the things of this life! Therefore, if you have disputes about such matters, do you ask for a ruling from those whose way of life is scorned in the church? I say this to shame you.(C) Is it possible that there is nobody among you wise enough to judge a dispute between believers?(D) But instead, one brother(E) takes another to court—and this in front of unbelievers!(F)

The very fact that you have lawsuits among you means you have been completely defeated already. Why not rather be wronged? Why not rather be cheated?(G) Instead, you yourselves cheat and do wrong, and you do this to your brothers and sisters.(H) Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God?(I) Do not be deceived:(J) Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers(K) nor men who have sex with men[a](L) 10 nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers(M) will inherit the kingdom of God. 11 And that is what some of you were.(N) But you were washed,(O) you were sanctified,(P) you were justified(Q) in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God.

Sexual Immorality

12 “I have the right to do anything,” you say—but not everything is beneficial.(R) “I have the right to do anything”—but I will not be mastered by anything. 13 You say, “Food for the stomach and the stomach for food, and God will destroy them both.”(S) The body, however, is not meant for sexual immorality but for the Lord,(T) and the Lord for the body. 14 By his power God raised the Lord from the dead,(U) and he will raise us also.(V) 15 Do you not know that your bodies are members of Christ himself?(W) Shall I then take the members of Christ and unite them with a prostitute? Never! 16 Do you not know that he who unites himself with a prostitute is one with her in body? For it is said, “The two will become one flesh.”[b](X) 17 But whoever is united with the Lord is one with him in spirit.[c](Y)

18 Flee from sexual immorality.(Z) All other sins a person commits are outside the body, but whoever sins sexually, sins against their own body.(AA) 19 Do you not know that your bodies are temples(AB) of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own;(AC) 20 you were bought at a price.(AD) Therefore honor God with your bodies.(AE)

Footnotes

  1. 1 Corinthians 6:9 The words men who have sex with men translate two Greek words that refer to the passive and active participants in homosexual acts.
  2. 1 Corinthians 6:16 Gen. 2:24
  3. 1 Corinthians 6:17 Or in the Spirit

Dare any of you, having a matter against another, go to law before the unjust, and not before the saints?

Do ye not know that the saints shall judge the world? and if the world shall be judged by you, are ye unworthy to judge the smallest matters?

Know ye not that we shall judge angels? how much more things that pertain to this life?

If then ye have judgments of things pertaining to this life, set them to judge who are least esteemed in the church.

I speak to your shame. Is it so, that there is not a wise man among you? no, not one that shall be able to judge between his brethren?

But brother goeth to law with brother, and that before the unbelievers.

Now therefore there is utterly a fault among you, because ye go to law one with another. Why do ye not rather take wrong? why do ye not rather suffer yourselves to be defrauded?

Nay, ye do wrong, and defraud, and that your brethren.

Know ye not that the unrighteous shall not inherit the kingdom of God? Be not deceived: neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor abusers of themselves with mankind,

10 Nor thieves, nor covetous, nor drunkards, nor revilers, nor extortioners, shall inherit the kingdom of God.

11 And such were some of you: but ye are washed, but ye are sanctified, but ye are justified in the name of the Lord Jesus, and by the Spirit of our God.

12 All things are lawful unto me, but all things are not expedient: all things are lawful for me, but I will not be brought under the power of any.

13 Meats for the belly, and the belly for meats: but God shall destroy both it and them. Now the body is not for fornication, but for the Lord; and the Lord for the body.

14 And God hath both raised up the Lord, and will also raise up us by his own power.

15 Know ye not that your bodies are the members of Christ? shall I then take the members of Christ, and make them the members of an harlot? God forbid.

16 What? know ye not that he which is joined to an harlot is one body? for two, saith he, shall be one flesh.

17 But he that is joined unto the Lord is one spirit.

18 Flee fornication. Every sin that a man doeth is without the body; but he that committeth fornication sinneth against his own body.

19 What? know ye not that your body is the temple of the Holy Ghost which is in you, which ye have of God, and ye are not your own?

20 For ye are bought with a price: therefore glorify God in your body, and in your spirit, which are God's.