Add parallel Print Page Options

Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (A)siyasatin ninyo, o ng (B)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.

Sapagka't (C)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (D)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.

Kaya nga (E)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Read full chapter