Add parallel Print Page Options

Ang Cristong Ipinako sa Krus

Mga kapatid, nang ako ay dumating sa inyo, hindi ako dumating na nagpapahayag sa inyo ng patotoo ng Diyos sa pamamagitan ng matatayog na pananalita o karunungan.

Sapagkat aking ipinasiyang walang anumang malaman sa gitna ninyo, maliban na si Jesu-Cristo, at siya na ipinako sa krus.

Ako'y(A) nakasama ninyo na may kahinaan, takot, at lubhang panginginig.

Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mapang-akit na mga salita ng karunungan, kundi sa pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan,

upang ang inyong pananampalataya ay huwag maging batay sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang Tunay na Karunungan ng Diyos

Subalit sa mga may gulang na ay nagsasalita kami ng karunungan, gayunma'y hindi ang karunungan ng panahong ito, o ng mga pinuno sa panahong ito, na ang mga ito'y mauuwi sa wala.

Kundi nagsasalita kami tungkol sa karunungan ng Diyos, na hiwaga at inilihim, na itinalaga ng Diyos bago ang mga panahon para sa ikaluluwalhati natin.

Walang sinuman sa mga pinuno ng sanlibutang ito ang nakaunawa nito, sapagkat kung naunawaan nila, ay hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.

Subalit(B) kagaya ng nasusulat,

“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga,
    at hindi pumasok sa puso ng tao,
    ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya.”

10 Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, maging ang malalalim na mga bagay ng Diyos.

11 Sapagkat sinong tao ang nakakaalam ng isipan ng isang tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? Kaya't walang nakakaalam ng mga isipan ng Diyos, maliban sa Espiritu ng Diyos.

12 Ngayon ay aming tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang aming malaman ang mga bagay na walang bayad na ibinigay sa amin ng Diyos.

13 Na ang mga bagay na ito ay aming sinasabi hindi sa mga salitang itinuro ng karunungan ng tao, kundi ng itinuturo ng Espiritu na ipinapaunawa ang mga espirituwal ng mga espirituwal.

14 Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu.

15 Ngunit nauunawaan ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, subalit hindi siya nauunawaan ng sinuman.

16 “Sapagkat(C) sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya?” Subalit nasa amin[a] ang pag-iisip ni Cristo.

Footnotes

  1. 1 Corinto 2:16 o atin .

At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios.

Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.

At ako'y nakisama sa inyo na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig.

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.

Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:

Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:

Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian:

Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

11 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.

12 Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.

13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

14 Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.

15 Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman.

16 Sapagka't sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapuwa't nasa atin ang pagiisip ni Cristo.

Проповедь в силе Духа

Братья, когда я пришёл к вам, чтобы возвещать о тайне Аллаха,[a] то мои слова не отличались ни красноречием, ни особой мудростью. Находясь среди вас, я решил не знать ничего, кроме Исы Масиха, и притом распятого. Когда я пришёл к вам, то был слаб, полон страха и трепета. И моя весть и моя проповедь были не в убедительных словах человеческой мудрости, но в проявлении силы Духа, чтобы ваша вера основывалась не на мудрости человеческой, а на силе Аллаха.

Мудрость от Духа

Мудрость же мы возвещаем среди людей духовно зрелых, но это не мудрость этого мира и не мудрость властителей этого мира, которые обречены стать ничем. Нет, мы говорим о тайной мудрости Аллаха, которая до сих пор была скрыта, но ещё до сотворения мира предназначена Им для нашей славы. Те, кому принадлежит власть в этом мире, не поняли её, иначе они не распяли бы Повелителя славы. Но, как написано:

«Не видел глаз,
    не слышало ухо,
и не приходило на сердце человеку то,
    что Аллах приготовил любящим Его».[b]

10 Нам же Аллах открыл это Духом Своим, потому что Духу известно всё. Он проникает во все глубины премудрости Аллаха. 11 Кто может знать мысли человека, кроме его собственного духа, живущего в нём? Так же и замыслов Аллаха никто не знает, кроме Духа Аллаха. 12 Мы же получили не дух этого мира, но Духа от Аллаха, чтобы нам понять всё дарованное нам Аллахом. 13 Об этом мы возвещаем не словами человеческой мудрости, но словами, которым нас научил Дух. Мы объясняем духовные истины словами, которым нас учит Дух.[c] 14 Человек, не знающий Аллаха, не принимает того, что приходит от Духа Аллаха. Он считает это глупостью и не может понять, потому что об этом можно судить только духовно. 15 Духовный же человек может судить обо всём, тогда как о нём никакой человек судить не может, 16 потому что

«кто постиг разум Вечного Повелителя,
    чтобы советовать Ему?»[d]

Мы же имеем разум Масиха.

Footnotes

  1. 2:1 Или: «чтобы возвещать свидетельство Аллаха».
  2. 2:9 См. Ис. 64:4.
  3. 2:13 Или: «Мы духовные истины объясняем людям духовным».
  4. 2:16 Ис. 40:13.