Add parallel Print Page Options

14 Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15 Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng lahat ng bagay, ngunit hindi siya nauunawaan ng taong hindi nagtataglay ng Espiritu.

16 “Sino(A) ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
    Sino ang makapagpapayo sa kanya?”

Ngunit nasa atin[a] ang pag-iisip ni Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16 atin: o kaya'y amin .