1 Corinto 14:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako at aawit sa pamamagitan ng aking espiritu kahit hindi ko ito naiintindihan, at mananalangin din ako at aawit sa paraang naiintindihan ng aking isipan. 16 Kung magpapasalamat ka sa Dios sa pamamagitan ng iyong espiritu lamang, at hindi ito maintindihan, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi? 17 Kahit maayos ang pagpapasalamat mo sa Dios, kung hindi naman naiintindihan ng iba, hindi ka rin makakapagpatatag sa kanila.
Read full chapter
1 Corinto 14:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: (A)aawit ako sa espiritu, at (B)aawit din naman ako sa pagiisip.
16 Sa ibang paraan, kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu, ang nasa kalagayan ng (C)di marunong, paanong siya'y makapagsasabi ng (D)Siya nawa, (E)sa iyong pagpapasalamat, palibhasa'y hindi nalalaman ang inyong sinasabi?
17 Sapagka't ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti, datapuwa't ang iba'y hindi napapagtibay.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
