Add parallel Print Page Options

Pag-ibig

13 Kung magsalita ako ng mga wika ng mga tao o ng mga anghel at wala akong pag-ibig, ako ay parang tansong tumutunog o kumakalansing na pompiyang.

Kahit na may kaloob ako ng paghahayag, at ng pagkaalam sa lahat ng mga hiwaga at nasa akin ang lahat ng kaalaman, wala akong halaga kung wala akong pag-ibig. Kahit na may matibay akong pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, kung wala akong pag-ibig, wala akong halaga. Kahit ipamigay ko ang lahat kong tinatangkilik upang mapakain ang mga mahihirap, kahit ibigay ko ang aking katawan para sunugin, kung wala akong pag-ibig, wala akong mapapakinabang.

Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sarilingkapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.

Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil.Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ito ay sapagkat alam namin ang ilang bahagi, at naghahayag kami ng ilang bahagi. 10 Ngunit kapag yaong ganap ay darating, ang ilang bahagi na iyon ay lilipas. 11 Nang ako ay bata pa, nagsalita ako tulad ng bata, nag-isip ako tulad ng bata, nangatwiran ako tulad ng bata. Nang ako ay malaki na, iniwan ko na ang mga bagay na pambata. 12 Ito ay sapagkat sa ngayon ay malabo tayong makakakita sa pamamagitan ng salamin, ngunit darating ang panahon na tayo ay magkikita-kita nang harapan. Sa ngayon ang alam ko ay ilang bahagi lamang ngunit darating ang panahon na makakaalam ako tulad ng naging pagkaalam sa akin.

13 Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananam­palataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.

The Excellence of Love

13 If I speak with the (A)tongues of men and of (B)angels, but do not have love, I have become a noisy gong or a (C)clanging cymbal. And if I have the gift of (D)prophecy, and know all (E)mysteries and all (F)knowledge; and if I have (G)all faith, so as to (H)remove mountains, but do not have love, I am nothing. And if I (I)give all my possessions to feed the poor, and if I (J)surrender my body [a]to be burned, but do not have love, it profits me nothing.

Love (K)is patient, love is kind, (L)is not jealous, does not brag, is not (M)puffed up; it does not act unbecomingly, (N)does not seek its own, is not provoked, (O)does not take into account a wrong suffered; (P)it does not rejoice in unrighteousness, but (Q)rejoices with the truth; [b](R)it bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.

Love never fails, but if there are gifts of [c](S)prophecy, they will be done away; if there are (T)tongues, they will cease; if there is knowledge, it will be done away. For we (U)know in part and we prophesy in part, 10 but when the [d]perfect comes, the partial will be done away. 11 When I was a child, I used to speak like a child, think like a child, reason like a child. When I [e]became a man, I did away with childish things. 12 For now we (V)see in a mirror [f]dimly, but then (W)face to face. Now I know in part, but then I will know fully just as I also (X)have been fully known. 13 But now abide faith, hope, love—these three; but the [g]greatest of these is (Y)love.

Footnotes

  1. 1 Corinthians 13:3 Some early mss that I may boast
  2. 1 Corinthians 13:7 Or covers
  3. 1 Corinthians 13:8 Lit prophecies
  4. 1 Corinthians 13:10 Or mature
  5. 1 Corinthians 13:11 Lit have become...have done away with
  6. 1 Corinthians 13:12 Lit in a riddle
  7. 1 Corinthians 13:13 Lit greater