Font Size
1 Corinto 1:16-18
Ang Salita ng Diyos
1 Corinto 1:16-18
Ang Salita ng Diyos
16 Binawtismuhan ko rin ang sambahayan ni Estefanas. Patungkol sa iba, wala na akong alam na binawtismuhan ko. 17 Ito ay sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbawtismo kundi upang ipangaral ang ebanghelyo. Ito ay hindi sa pamamagitan ng karunungan ng salita upang hindi mawalan ng halaga ang krus ni Cristo.
Si Cristo ang Karunungan at Kapangyarihan ng Diyos
18 Sapagkat ang salita patungkol sa krus ay kamangmangan sa mga napapahamak ngunit sa atin na naligtas ito ay kapangyarihan ng Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International