Add parallel Print Page Options

The Family of Reuben

Reuben was the first-born son of Israel but because he sinned against his father’s marriage bed, his birth-right was given to the sons of Joseph the son of Israel. Reuben is not written down in the family names by his birth-right. Judah became stronger than his brothers, and a prince came from him. But the birth-right belonged to Joseph. The sons of Reuben the first-born of Israel were Hanoch, Pallu, Hezron and Carmi. The sons of Joel were Shemaiah, Gog his son, Shimei his son, Micah his son, Reaiah his son, Baal his son, and Beerah his son. Beerah was the one whom Tilgath-pilneser king of Assyria carried away to a strange land. He was a leader of the Reubenites. These are his brothers by their families, from the writings of their family names. There was Jeiel the leader, then Zechariah, and Bela the son of Azaz, the son of Shema, the son of Joel, who lived in Aroer as far as Nebo and Baal-meon. He lived as far east as the beginning of the desert this side of the Euphrates River, because their cattle had become too many for the land of Gilead. 10 In the days of Saul they made war with the Hagrites and killed them. So they lived in their tents over all the land east of Gilead.

The Family of Gad

11 The sons of Gad lived beside them in the land of Bashan as far as Salecah. 12 Joel was the leader. Then there was Shapham, then Janai, and Shaphat in Bashan. 13 Their seven brothers of their fathers’ houses were Michael, Meshullam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, and Eber. 14 These were the sons of Abihail, the son of Huri, the son of Jaroah, the son of Gilead, the son of Michael, the son of Jeshishai, the son of Jahdo, the son of Buz. 15 Ahi the son of Abdiel, the son of Guni, was head of their fathers’ houses. 16 They lived in Gilead, in Bashan and its towns, and in all the fields of Sharon as far as they go. 17 All of these were added to the family names in the days of King Jotham of Judah and King Jeroboam of Israel.

18 The sons of Reuben, the Gadites and the half-family group of Manasseh were powerful soldiers. They carried the battle-covering and the sword, and shot with the bow. They were able men in battle. There were 44,760 of them who went to war. 19 They made war against the Hagrites, Jetur, Naphish and Nodab. 20 They were given help against them, and the Hagrites and all who were with them were given into their hand. They cried out to God in the battle. He gave them what they asked for, because they trusted in Him. 21 They took away their animals, 50,000 camels, 250,000 sheep, 2,000 donkeys, and 100,000 men. 22 Many were killed, because the war was of God. They lived in their place until they were taken away by Assyria.

The Family of Manasseh East of the Jordan River

23 The sons of the half-family group of Manasseh lived in the land. There were many of them from Bashan to Baal-hermon, Senir and Mount Hermon. 24 The heads of their fathers’ houses were Epher, Ishi, Eliel, Azriel, Jeremiah, Hodaviah, and Jahdiel. They were powerful soldiers, men whose names were well-known. And they were heads of their fathers’ houses.

25 But they sinned against the God of their fathers. They sold themselves to the gods of the people of the land, whom God had destroyed before them. 26 So the God of Israel moved the spirit of Pul king of Assyria, also known as Tilgath-pilneser king of Assyria. And he carried the Reubenites, the Gadites and the half-family group of Manasseh away to a strange land. He brought them to Halah, Habor, Hara, and the river of Gozan. And they are there to this day.

Ang Lahi ni Reuben

Si Reuben ang panganay na anak ni Israel,[a] pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak. Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose. Ito ang mga anak na lalaki ni Reuben na panganay ni Israel: sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.

Ito ang mga angkan ni Joel: sina Shemaya, Gog, Shimei, Micas, Reaya, Baal, at Beera. Si Beera ang pinuno ng lahi ni Reuben nang binihag sila ni Haring Tiglat Pileser[b] ng Asiria. Ito ang mga kamag-anak ni Beera na naitala sa talaan ng kanilang mga angkan ayon sa kanilang lahi: si Jeyel na pinuno, si Zacarias, at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Shema at apo ni Joel. Ito ang lahi ni Reuben na tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal Meon. At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates. 10 Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagreo sa buong silangan ng Gilead.

Ang Lahi ni Gad

11 Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Reuben, hanggang sa Saleca. 12 Ito ang lahi ni Gad: si Joel, na siyang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Shafam, pagkatapos ay sina Janai at Shafat. 13 Ang kanilang mga kamag-anak ayon sa bawat pamilya ay sina Micael, Meshulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber – pito silang lahat. 14 Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jeshishai at apo ni Jado, at apo sa tuhod ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya. 16 Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon. 17 Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.

18 May 44,760 sundalo sa mga lahi nina Reuben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manase. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana. 19 Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetureo, Nafiseo, at Nodabeo. 20 Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito. 21 Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag din nila ang 100,000 tao, 22 at marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Dios sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.

Ang Kalahating Lahi ni Manase

23 Ang kalahating angkan ni Manase ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal Hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: sina Efer, Ishi, Eliel Azriel, Jeremias, Hodavia at Jadiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila. 25 Pero hindi sila naging tapat sa Dios ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga dios ng mga taong nilipol ng Dios sa lupaing iyon. 26 Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Dios ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat Pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Reuben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manase at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.

Footnotes

  1. 5:1 Israel: o, Jacob.
  2. 5:6 Tiglat Pileser: o, Pilneser.