Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Start your day in Scripture. Get the Verse of the Day by email.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Understand more as you read. Try Bible Gateway Plus.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

1 Tesalonica 5  Ang Biblia (1978)

5 Datapuwa't tungkol sa (A)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (B)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (C)ng kaarawan ng Panginoon ay (D)gaya ng magnanakaw sa gabi.

3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (E)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

4 Nguni't kayo, (F)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

5 Sapagka't kayong lahat (G)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

6 (H)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (I)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (J)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (K)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

9 Sapagka't tayo'y (L)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

10 Na (M)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

11 Dahil dito (N)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (O)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (P)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (Q)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (R)alalayan ang mga mahihina, (S)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 (T)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

16 (U)Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong (V)walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay (W)magpasalamat kayo; sapagka't ito (X)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin (Y)ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin (Z)ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang (AA)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang (AB)bawa't anyo ng masama.

23 At pakabanalin (AC)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (AD)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (AE)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 (AF)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

25 Mga kapatid, (AG)idalangin ninyo kami.

26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AH)banal na halik.

27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AI)ang sulat na ito.

28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Cross references

  1. 5:1 : Gawa 1:7.
  2. 5:1 : 1 Tes. 4:9.
  3. 5:2 : Mat. 24:43.
  4. 5:2 : Luc. 17:24.
  5. 5:3 : Luc. 21:34.
  6. 5:4 : Rom. 13:12, 13.
  7. 5:5 : Luc. 16:8.
  8. 5:6 : Mat. 25:5; Rom. 13:11.
  9. 5:6 : 1 Ped. 5:8.
  10. 5:7 : Rom. 13:13; Ef. 5:18.
  11. 5:8 : Is. 59:17; Ef. 6:14, 16, 17.
  12. 5:9 : Rom. 5:9; 9:22; 1 Tes. 2:16.
  13. 5:10 : Rom. 14:9.
  14. 5:11 : 1 Tes. 5:11.
  15. 5:12 : 1 Cor. 16:18.
  16. 5:12 : 1 Tim. 5:17.
  17. 5:13 : Mar. 9:50.
  18. 5:14 : Rom. 15:1; Gal. 6:1, 2.
  19. 5:14 : 1 Cor. 13:4; Gal. 5:22.
  20. 5:15 : Mat. 5:39.
  21. 5:16 : Rom. 12:12; Fil. 3:1.
  22. 5:17 : Luc. 18:1.
  23. 5:18 : Ef. 5:20; Col. 4:2.
  24. 5:18 : 1 Tes. 4:3.
  25. 5:19 : Ef. 4:30; 2 Tim. 1:6.
  26. 5:20 : 1 Cor. 14:1, 39.
  27. 5:21 : 1 Juan 4:1.
  28. 5:22 : 1 Tes. 4:12.
  29. 5:23 : 1 Tes. 3:13.
  30. 5:23 : Heb. 4:12.
  31. 5:23 : 1 Tes. 2:19.
  32. 5:24 : Deut. 7:9.
  33. 5:25 : 2 Tes. 3:1.
  34. 5:26 : Rom. 16:16.
  35. 5:27 : Col. 4:16.
Next
1 Tesalonica 4
2 Tesalonica 1
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway