Add parallel Print Page Options

21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa (A)Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.

Ang kaban ay dinala sa Chiriath-jearim.

At ang mga lalake sa (B)Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni (C)Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon.