Add parallel Print Page Options

15 Kung(A) ako nama'y patay na, huwag mo sanang pababayaan ang aking sambahayan. Kung dumating ang araw na lipulin na ni Yahweh ang iyong mga kaaway, 16 huwag ka sanang sisira sa ating pangako. Parusahan sana ni Yahweh ang mga kaaway ni David.”

17 Hiniling ni Jonatan na muling mangako si David na sila'y magiging tapat sa isa't isa. Minahal siya ni Jonatan tulad ng pagmamahal nito sa sarili.

Read full chapter

Ang Kagandahang-loob ni David

Minsa'y(A) nagtanong si David, “Mayroon pa bang nalalabi sa sambahayan ni Saul? Gusto kong ipadama sa kanya ang aking kagandahang-loob alang-alang kay Jonatan.”

Nang buháy pa si Saul, may alipin siyang Ziba ang pangalan, kaya't ipinatawag ito ni David. Paglapit ni Ziba, tinanong siya ng hari, “Ikaw ba si Ziba?”

“Ako nga po, mahal na hari” tugon niya.

“May(B) nalalaman ka bang buháy sa sambahayan ni Saul? Gusto ko siyang pakitaan ng mabuti, ayon sa aking pangako sa Diyos,” wika ng hari.

“Mayroon po. Si Mefiboset[a] na anak ni Jonatan. Siya po'y isang lumpo,” tugon ni Ziba.

“Saan siya naroon?” tanong muli ng hari.

“Nasa Lo-debar po, nakatira sa bahay ni Maquir na anak ni Amiel,” sagot ni Ziba. Ipinasundo agad ni David si Mefiboset,[b] anak ni Jonatan at apo ni Saul. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.

“Ikaw ba si Mefiboset?”[c] tanong ng hari.

“Ako nga po, mahal na hari” sagot naman nito.

Sinabi ni David, “Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .
  2. 6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .
  3. 6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal.