A A A A A
Bible Book List

1 Kay Timoteo 2Ang Salita ng Diyos (SND)

Mga Tagubilin Patungkol sa Pagsamba

Kaya nga, una sa lahat, ipinamamanhik ko na ang lahat ng mga dalanging may paghiling, ang mga panalangin, ang mga dalangin na namamagitan at pasasalamat ay gawin para sa lahat ng mga tao. Gawin din ang mga ito para sa mga hari at para sa lahat ng mga nasa pamamahala. Ito ay upang mamuhay tayo ng payapa at tahimik sa lahat ng gawaing maka-Diyos at karapat-dapat na pag-ugali. Sapagkat ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos na ating Tagapagligtas. Inibig niyang iligtas ang mga tao at upang sila ay makaalam ng katotohanan. Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus. Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang pantubos para sa lahat ng tao, isang patotoo sa takdang panahon. Dahil dito itinalaga ako ng Diyos na maging mangangaral at apostol. Nagsasalita ako ng katotohanan na na kay Cristo at hindi ako nagsisinungaling. Itinalaga niya ako upang magturo ng pananampalataya at katotohanan sa mga Gentil.

Kaya nga, ninais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga kamay na banal na walang poot o pagtatalo.

Gayundin naman, ninais ko na gayakan ang mga babae ang kanilang sarili, manamit ng maayos, maging mahinhin at gina-gamit nang maayos ang pag-iisip. Hindi dapat na nakatirintas ang buhok, o nagsusuot ng ginto, o perlas o mga mamahaling damit. 10 Sa halip, dapat na magsuot sila ng mga mabubuting gawa. Ito ay nararapat sa mga babaeng nagsasabing sumasamba sila sa Diyos.

11 Ang isang babae ay dapat na matutong tumahimik na may pagpapasakop. 12 Hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo o mamuno sa lalaki. Sa halip siya ay maging tahimik. 13 Ang dahilan nito ay nilikha muna ng Diyos si Adan, saka niya nilikha si Eva. 14 Hindi nadaya si Adan. Ngunit nang ang babae ay nadaya, siya ang nasa pagsalangsang. 15 Ngunit maililigtas siya sa pamamagitan ng pagsilang ng sanggol kung sila ay magpapatuloy sa pananampalataya, pag-ibig at kabanalan na ginagamit nang maayos ang pag-iisip.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes