十个童女的比喻

25 “那时,天国好比十个童女,拿着她们的灯出去迎接新郎[a] 她们当中有五个是愚拙的,五个是聪明的。 那些愚拙的童女带着她们的灯,却没有带油; 而那些聪明的带着瓶子里的油,以及自己的灯。 后来新郎迟延不到,她们都打盹,睡着了。

“半夜里,有人喧嚷:‘看哪,是新郎!你们出来迎接他!’

“十个[b]童女都醒过来,修整她们的灯。 愚拙的对聪明的说:‘请把你们的油分一点给我们,因为我们的灯要灭了。’

“但那些聪明的回答说:‘不行,绝不够我们和你们用的。你们还是到卖油的那里去,为自己买吧。’

10 “可是她们去买的时候,新郎就来了。那些预备好了的,与新郎一同进去赴婚宴,门就关上了。

11 “后来其余的童女也来了,说:‘主啊,主啊,请给我们开门!’

12 “但是新郎回答说:‘我确实地告诉你们:我不认识你们。’

13 “所以你们要警醒,因为你们不知道[c]那日子和那时刻。

受托银子的比喻

14 “天国又好比一个人要出外旅行,就叫来自己的奴仆们,把他所拥有的交托给他们。 15 他按照每个人自己的能力,一个给了五千两银子[d],一个给了两千两[e],一个给了一千两[f],然后就出外旅行。 16 那领了五千的,立刻用这些钱去做生意,另外赚了五千。 17 那领了两千的,也照样另赚了两千。 18 可是那领了一千的,却出去挖地,把他主人的银子藏起来。

19 “过了很久,那些奴仆的主人回来,与他们清算账目。 20 那领了五千两银子的,带着另外的五千两上前来,说:‘主啊,你交托给我五千两银子,请看,我另外赚了五千两。’

21 “主人对他说:‘做得好,忠心的好奴仆!你在少许的事上忠心,我要委任你统管很多的事。进来分享你主人的快乐吧!’

22 “那领了两千两银子的也上前来,说:‘主啊,你交托给我两千两银子,请看,我另外赚了两千两。’

23 “主人对他说:‘做得好,忠心的好奴仆!你在少许的事上忠心,我要委任你统管很多的事。进来分享你主人的快乐吧!’

24 “接着,那领了一千两银子的也上前来,说:‘主啊,我知道你是个严厉的人,不是你播种的地方,你收获;不是你投放的地方,你收集。 25 我惧怕,就去把你的银子藏在地里。请看,你的银子在这里。’

26 “主人回答他,说:‘你这又恶又懒的奴仆!你既然知道:不是我播种的地方,我收获;不是我投放的地方,我收集, 27 你就应该把我的银子存到钱庄里,这样我回来的时候,可以连本带利得回来。

28 “所以,你们把那一千两银子从他那里拿走,给那个有一万两的; 29 因为凡是有的,还要赐给他,使他丰足有余;那没有的,连他有的也将从他那里被拿走。 30 把这个无用的奴仆丢到外面的黑暗里去!在那里将有哀哭和切齿。’

绵羊与山羊

31 “当人子在他的荣耀中,与所有的[g]天使一起来临的时候,他那时就要坐在他荣耀的宝座上。 32 万民都将被召集到他面前。他要把他们互相分别,就像牧人把绵羊从山羊中分别出来那样, 33 把绵羊放在他的右边,山羊放在左边。 34 那时王要对在他右边的人说:‘来吧,蒙我父所祝福的人哪,来继承创世以来已经为你们所预备好的国度吧!

35 因为我饿了,
你们给我吃;
我渴了,
你们给我喝;
我在异乡时,
你们收留了我;
36 我衣不蔽体,你们给我穿;
我患了病,你们照顾我;
我在监狱里,你们探望我。’

37 “那时义人将回答说:‘主啊,我们什么时候见你饿了就给你吃,见你渴了就给你喝呢? 38 我们什么时候见你在异乡就收留了你,见你衣不蔽体就给你穿呢? 39 又什么时候见你患病或在监狱里,就到你那里去呢?’

40 “王要回答他们,说:‘我确实地告诉你们:你们为我这些弟兄中最小的一个所做的事,就是为我做了。’ 41 那时王要对在左边的人说:‘你们这些被诅咒的人!离开我!进到那已经为魔鬼和他的使者们所预备好的永远的火里去!

42 因为我饿了,
你们没有给我吃;
我渴了,
你们没有给我喝;
43 我在异乡时,
你们没有收留我;
我衣不蔽体,
你们没有给我穿;
我患了病、在监狱里,
你们没有照顾我。’

44 “那时他们也要回答说:‘主啊,我们什么时候见你饿了,或渴了,或在异乡,或衣不蔽体,或患了病,或在监狱里,而没有服事你呢?’

45 “那时王要回答他们,说:‘我确实地告诉你们:你们没有为我这些弟兄中最小的一个所做的事,也就是没有为我做。’

46 “结果这些人将离去,进入永远的刑罚。然而,义人将进入永恒的生命。”

Footnotes

  1. 马太福音 25:1 有古抄本附“和新娘”。
  2. 马太福音 25:7 十个——辅助词语。
  3. 马太福音 25:13 有古抄本附“人子要来的”。
  4. 马太福音 25:15 五千两银子——原文为“5他连得”。1他连得=约6,000日工资。
  5. 马太福音 25:15 两千两——原文为“2他连得”。1他连得=约6,000日工资。
  6. 马太福音 25:15 一千两——原文为“1他连得”。1他连得=约6,000日工资。
  7. 马太福音 25:31 有古抄本附“圣”。

Ang Talinghaga Patungkol sa Sampung Dalaga

25 Ang paghahari ng mga langit ay katulad sa sampung dalagang birhen. Pagkakuha nila ng kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal.

Ang lima sa kanila ay matalino at ang lima ay mangmang. Ito ay sapagkat sila na mga mangmang, pagkakuha ng kanilang mga ilawan, ay hindi nagdala ng langis. Ang mga matalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga ilawan. Ngunit natagalan ang lalaking ikakasal. Silang lahat ay inantok at nakatulog.

Ngunit mayroong sumigaw sa kalagitnaan na ng gabi. Kaniyang sinabi: Narito, dumarating na ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo at salubungin siya.

Bumangon ang lahat ng mga dalagang birhen at inihanda ang kanilang mga ilawan. Sinabi ng mga mangmang na mga birhen sa mga matalino: Bigyan ninyo kami ng mga langis sapagkat mamamatay na ang aming ilawan.

Sumagot ang matatalinong birhen: Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat para sa inyo at sa amin. Pumunta na lang kayo roon sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong sarili.

10 Ngunit nang sila ay umalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating. Silang mga nakahanda ay pumasok na kasama ang lalaking ikakasal sa piging ng kasalan at ang pinto ay isinara.

11 Maya-maya ay dumating ang ibang mga dalagang birhen. Sinabi nila: Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.

12 Ngunit sumagot siya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.

13 Magbantay nga kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.

Ang Talinghaga Patungkol sa Talento

14 Ito ay katulad din sa isang lalaking papaalis ng bansa. Tinawag niya ang kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian.

15 Ibinigay niya sa isang alipin ang limang talento, sa isa pang alipin ay dalawang talento at sa isa pang alipin ay isang talento. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayanan. Siya ay umalis agad ng bansa. 16 Siya na nakatanggap ng limang talento ay nangalakal at tumubo ng lima pang talento. 17 Gayundin ang nakatanggap ng dalawang talento, siya ay tumubo ng dalawa pa. 18 Ngunit siya na nakatanggap ng isang talento ay umalis. Siya ay naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.

19 Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang Panginoon ng mga aliping iyon at sila ay nagbigay-sulit sa kaniya. 20 Dumating ang nakatanggap ng limang talento at nagdala siya ng lima pang talento. Sinabi niya: Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, bukod dito ay tumubo pa ako ng lima.

21 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.

22 Dumating din ang nakatanggap ng dalawang talento. Sinabi niya: Ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Tingnan mo, bukod dito ay tumubo pa ako ng dalawa.

23 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.

24 Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya: Panginoon, kilala kita na ikaw ay isang malupit na tao. Umaani ka sa hindi mo inihasik at nagtitipon sa hindi mo ikinalat. 25 Dahil sa takot, ako ay umalis at itinago ang iyong talento sa lupa. Narito ang para sa iyo.

26 Sumagot ang kaniyang panginoon: Ikaw ay masama at tamad na alipin! Nalalaman mo na ako ay umaani sa hindi ko inihasik at nagtitipon sa hindi ko ikinalat. 27 Nararapat sana na inilagay mo ang aking salapi sa mga mamamalit ng salapi.At sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na may tubo.

28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento. 29 Ito ay sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng sagana.Ngunit sa kaniya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin sa kaniya. 30 Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon ay may pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

Ang mga Tupa at ang mga Kambing

31 Darating ang Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian kasama ng mga banal na anghel. Kapag siya ay dumating, siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian.

32 Titipunin niya ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan. Ihihiwalay niya sila sa isa’t isa katulad ng paghihiwalay ng pastol sa mga tupa mula sa mga kambing. 33 Itatalaga niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay, ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.

34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa mga nasa kaniyang kanang kamay: Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang paghaharing inihanda sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. 35 Ito ay sapagkat nagutom ako at binigyan ninyo ako ng makakain. Nauhaw ako at binigyan ninyo ako ng maiiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan at ako ay inyong pinatuloy. 36 Ako ay naging hubad at dinamitan ninyo. Nagkasakit ako at ako ay inyong dinalaw. Nabilanggo ako at ako ay inyong pinuntahan.

37 Sasagot naman ang mga matuwid sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain ka namin o nauhaw at binigyan ng maiinom? 38 Kailan ka namin nakitang naging taga-ibang bayan at pinatuloy ka o naging hubad at dinamitan ka namin? 39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at dumalaw kami sa iyo?

40 Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.

41 Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel. 42 Ito ay sapagkat nagutom ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom. 43 Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.

44 Sasagot din sila sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging taga-ibang bayan, o naging hubad o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?

45 Siya ay sasagot sa kanila na sinasabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, hindi rin ninyo ito ginawa sa akin.

46 Ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan. Ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.