婚宴的比喻

22 耶稣又用比喻对他们说: “天国好比一个君王,为自己的儿子预备婚宴。 他派了奴仆们去叫那些被邀请的人前来赴宴,可是他们不肯来。 王又派了别的奴仆,说:‘你们去对那些被邀请的人说,看哪,我的午餐我已经预备好了,公牛和肥畜已经宰杀了,一切都预备好了,请你们来赴婚宴。’

“但那些人不理,就走开了,有的到自己的田里去,有的做自己的生意去。 其余的竟抓住王的奴仆们,凌辱他们,并且把他们杀了。 [a]就发怒,派军兵除灭那些凶手,烧毁了他们的城。

“然后对奴仆们说:‘婚宴预备好了,但那些被邀请的人不配。 所以你们要到大街小巷去,把所见到的人都请来赴宴。’ 10 那些奴仆就出去,到大街上,把所见到的,无论好人坏人都召集起来,婚宴上就坐满了宾客。 11 王进来会见宾客,发现有一个人没有穿婚宴的礼服, 12 就对他说:‘朋友,你进到这里来怎么没有穿婚宴的礼服呢?’那个人哑口无言。

13 “于是王吩咐仆人们:‘把他的手脚捆起来,[b]丢到外面的黑暗里去!在那里将有哀哭和切齿。’

14 “要知道,蒙召唤的人多,而蒙拣选的人少。”

神与凯撒

15 法利赛人就去商议,怎样找耶稣的话柄来陷害他。 16 他们派了自己的门徒们与希律党的人一同去见耶稣,说:“老师,我们知道你是真诚的,并且按真理教导神的道[c]。你不顾忌任何人,因为你不看人的情面。 17 请告诉我们,你认为向凯撒纳税,可以不可以呢?”

18 耶稣看出他们的恶意,就说:“你们这些伪善的人!为什么试探我呢? 19 拿一个纳税的钱币给我看。”他们就拿来了一个银币[d]给他。 20 耶稣问他们:“这是谁的像和名号?”

21 他们回答说:“是凯撒的。”

耶稣对他们说:“那么,凯撒的归给凯撒;神的归给神。” 22 他们听了,感到惊奇,就离开耶稣走了。

撒都该人与复活

23 在那一天,撒都该人来到耶稣那里,他们一向说没有复活的事。他们问耶稣, 24 说:“老师,摩西说:如果一个人死了,没有儿女,他的一个兄弟就要娶他的妻子,为他兄弟留后裔。[e] 25 我们这里曾经有兄弟七人,第一个结了婚,死了,没有后裔,留下妻子给他的一个兄弟。 26 第二个、第三个、一直到第七个,都是如此。 27 到了最后,这妇人也死了。 28 既然他们都娶过她,那么,在复活的时候,她将是这七个人中哪一个的妻子呢?”

29 耶稣回答说:“你们错了,因为你们不明白经上的话,也不明白神的大能。 30 复活的时候,人既不娶也不嫁,而是像天上的[f]天使一样。 31 关于死人复活的事,你们难道没有读过神对你们所说的话吗?神说 32 ‘我是亚伯拉罕的神、以撒的神、雅各的神。’[g]神不是死人的神,而是活人的神。”

33 众人听了这话,对他的教导惊叹不已。

最大的诫命

34 法利赛人听说耶稣使撒都该人哑口无言,就聚集在一起。 35 他们当中有一个是律法师,[h]来试探耶稣,问他: 36 “老师,律法中最大的诫命是哪一条呢?”

37 耶稣对他说:“‘你要以全心、全灵、全意爱主——你的神’[i] 38 这是最大的,也是最重要的诫命。 39 其次的也和它类似,‘要爱邻如己。’[j] 40 全部律法和先知书都是以这两条诫命为依据的。”

有关基督的问题

41 法利赛人聚集在一起的时候,耶稣问他们 42 说:“关于基督,你们怎么看?他是谁的后裔呢?”

他们说:“是大卫的后裔。”

43 耶稣问他们:“那么,大卫藉着圣灵,怎么还称他为‘主’呢?大卫说:

44 ‘主对我主说:
你坐在我的右边,
等我把你的敌人放在你的脚下[k]。’[l]

45 “因此,大卫如果称基督为‘主’,基督怎么会是大卫的后裔呢?” 46 没有人能回答他一句话。从那天起,再也没有人敢质问耶稣了。

Footnotes

  1. 马太福音 22:7 有古抄本附“听了”。
  2. 马太福音 22:13 有古抄本附“带去”。
  3. 马太福音 22:16 道——或译作“路”。
  4. 马太福音 22:19 银币——原文为“得拿利”。1得拿利=约1日工资的罗马银币。
  5. 马太福音 22:24 《申命记》25:5。
  6. 马太福音 22:30 有古抄本附“神的”。
  7. 马太福音 22:32 《出埃及记》3:6。
  8. 马太福音 22:35 有古抄本没有“是律法师,”。
  9. 马太福音 22:37 《申命记》6:5。
  10. 马太福音 22:39 《利未记》19:18。
  11. 马太福音 22:44 有古抄本附“做脚凳”。
  12. 马太福音 22:44 《诗篇》110:1。

Ang Talinghaga tungkol sa Handaan sa Kasal(A)

22 Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang hari na naghanda ng salo-salo para sa kasal ng anak niyang lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inimbitahan sa kasalan, pero ayaw nilang dumalo. Sinugo niya ang iba pang mga alipin upang sabihin sa mga inimbitahan, ‘Handa na ang lahat; nakatay na ang aking mga baka at iba pang pinatabang hayop. Nakahanda na ang pagkain kaya pumunta na kayo rito!’ Pero hindi ito pinansin ng mga inimbitahan. Ang ibaʼy pumunta sa bukid nila, at ang ibaʼy sa negosyo nila. Ang iba namaʼy sinunggaban ang mga alipin ng hari, hiniya, at pinatay. Kaya galit na galit ang hari sa ginawa ng mga ito. Inutusan niya ang kanyang mga sundalo na patayin ang mga pumatay sa kanyang mga alipin at sunugin ang lungsod ng mga ito. Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga utusan, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal ng aking anak, pero hindi karapat-dapat ang mga inimbitahan. Pumunta na lang kayo sa mga mataong lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’ 10 Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng bisita ang pinagdarausan ng handaan. 11 Nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakasuot ng damit na para sa kasalan. 12 Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakasuot ng damit na para sa kasalan?’ Hindi nakasagot ang lalaki. 13 Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga utusan, ‘Talian ninyo ang mga kamay at paa niya at itapon sa dilim, doon sa labas. Doon ay iiyak siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ ” 14 Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag ng Dios na mapabilang sa kanyang kaharian, ngunit kakaunti ang pinili.”

Ang Tanong tungkol sa Pagbabayad ng Buwis(B)

15 Umalis ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila mahuhuli si Jesus sa kanyang mga pananalita. 16 Kaya pinapunta nila kay Jesus ang ilan sa kanilang mga kasamahan at ang ilan sa mga tauhan ni Herodes. Sinabi ng mga ito, “Guro, alam po namin na totoo ang mga sinasabi ninyo. Itinuturo nʼyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Dios. Wala kayong pinapaboran, dahil hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao. 17 Ano sa palagay nʼyo? Tama po ba na tayong mga Judio ay magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma[a] o hindi?” 18 Pero alam ni Jesus ang masama nilang balak, kaya sinabi niya, “Mga pakitang-tao! Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? 19 Patingin nga ng perang ipinambabayad ng buwis.” Iniabot nila sa kanya ang pera.[b] 20 Tinanong sila ni Jesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?” 21 Sumagot sila, “Sa Emperador.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Dios ang para sa Dios.” 22 Namangha sila nang marinig ang sagot ni Jesus, kaya iniwan nila siya.

Ang Tanong tungkol sa Muling Pagkabuhay(C)

23 Nang araw ding iyon, lumapit at nagtanong kay Jesus ang ilang mga Saduceo – mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. 24 Sinabi nila, “Guro, sinabi ni Moises na kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa asawa niya, dapat pakasalan ng kanyang kapatid ang naiwan niyang asawa para magkaanak sila para sa kanya.[c] 25 Noon ay may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. 26 Pero namatay din siya na wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo hanggang sa ikapitong kapatid. 27 At kinalaunan, namatay din ang babae. 28 Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po ba sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil silang lahat ay napangasawa niya?” 29 Sumagot si Jesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Dios. 30 Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit. 31 Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi ng Dios sa inyo? Sinabi niya, 32 ‘Ako ang Dios nila Abraham, Isaac, at Jacob.’[d] Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay.” 33 Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang pagtuturo.

Ang Pinakamahalagang Utos(D)

34 Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Jesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya. 35 Isa sa kanila, na tagapagturo ng Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin siya, 36 “Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” 37 Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’[e] 38 Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. 39 At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’[f] 40 Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”[g]

Ang Tanong tungkol sa Cristo(E)

41 Habang nagkakatipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus, 42 “Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Cristo? Kaninong angkan[h] siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.” 43 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung angkan lang siya ni David, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon,’ sa patnubay ng Banal na Espiritu? Ito ang sinabi niya,

44 ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
    Maupo ka sa aking kanan hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’[i]

45 Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging angkan lang ni David?” 46 Wala ni isa mang nakasagot sa tanong ni Jesus. Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.

Footnotes

  1. 22:17 Emperador ng Roma: sa literal, Cesar.
  2. 22:19 pera: sa literal, denarius, na pera ng mga Romano.
  3. 22:24 Deu. 25:5.
  4. 22:32 Exo. 3:6.
  5. 22:37 Deu. 6:5.
  6. 22:39 Lev. 19:18.
  7. 22:40 Lev. 19:18.
  8. 22:42 angkan: sa literal, anak.
  9. 22:44 Salmo 110:1.